^

Pang Movies

Nap ‘di gaanong naalala, Mario pinagsama-sama ang mga dating katrabaho

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Nap ‘di gaanong naalala, Mario pinagsama-sama ang mga dating katrabaho
Mga kaibigan ni Mario Dumaual

Magkasunod na pumanaw ang dalawang kilalang mamamahayag na sina Nap Gutierrez at Mario Dumaual na parehong may kinalaman sa atake sa puso ang sanhi.

Nap was 62 at 64 naman si Mario at parehong may malaking naiambag sa larangan ng pamamahayag.

Wala pang pandemic ay inatake sa puso si Nap nung 2019 na walang nakakaalam ultimo ang kanyang pamilya. Ito’y nasundan ng pandemic at unti-unti umanong nag-deteriorate ang kalagayan ni Nap. Hindi rin nakadalo si Nap sa burol at libing sa pagyao ng kanyang ina nung isang taon.

Ayon sa nakababatang kapatid ni Nap na si Alex Gutierrez, wala umano silang balita rito at kung saan ito nakatira until nitong nakaraang buwan (June) ay nabalitaan umano niyang pinaalis ito sa kanyang inuupahang condo dahil ibinubulsa umano ng kanyang personal assistant at nag-aalaga sa kanya ang dapat sana’y pambayad sa kanyang condo.

Si Nap ay pansamantalang pinatuloy sa isang barangay in San Juan kung saan ito inabutan ng kanyang pagkamatay nung June 29. Hindi na umano ito nagising sa kanyang pagkakatulog.

Kung hindi pa nag-post si Arnold ‘Igan’ Clavio sa kanyang FB account ay hindi namin malalaman ang pagkamatay niya at si Gerry Olea naman ang nagparating sa amin na last wake na umano nito nung nakaraang Huwebes, July 6 kaya humabol kami roon kasama sina Allan Diones at Anna Pingol.

Naka-cremate na siya at inabutan namin doon ang younger brother niyang si Alex at ilang kaibigan. It was a simple wake or send-off for Nap na kabaliktaran nung kabataan at kalakasan niya.

Nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park in Marikina City ang kilala, well-loved at respetadong entertainment journalist na si Mario Dumaual ngayong 3:00 p.m. pagkatapos ng 11 a.m. mass sa Loyola Memorial Chapels in Commonwealth, Quezon City.

Dagsa ang mga tao at mga naggagandahang bulaklak galing sa ABS-CBN at mga kilalang perso­nalidad hindi lamang sa showbiz kundi maging sa ibang sector ng pulitika, sports at iba pa sa three-day wake ng veteran entertainment journalist.

Ang burol niya ay nagsilbing reunion ng marami niyang kasamahan sa bakuran ng ABS-CBN na nasa ibang istasyon at kumpanya na magmula nang mawalan ng franchise ng TV network nung May 5, 2020.

Maaga mang nawala si Mario, naipakita niya sa lahat ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng paghatid ng balita na may kinalaman sa showbiz at entertainment business.

MARIO DUMAUAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with