Awra ‘di na makarampa, ellen ‘di aware sa mga pangyayari sa showbiz!
Hindi na makaawra si Awra Briguela.
At lalong ‘di siya makakaawra sa sinabi ni Ellen Adarna sa Q&A nito sa Instagram na “Lately ‘day, I think, this month, wala akong awra, wala akong rampa,” aniya nung may nagtanong sa kanya kung anong masasabi niya sa nangyari kay Awra.
“Wala akong awra at all. Lutang. Maybe next month. I’ve been busy this month, so, wala, haggard. Zero awra, zero rampa.
Kaya may nag-comment na hindi aura o rampa ang sinasabi nung nagtanong, kundi si Awra na nakulong matapos makipagrambulan sa bar.
Hindi niya raw kilala si Awra at wala siyang pakialam dito or something to that effect.
“It’s not my business. I’m not interested. I don’t follow showbiz, tabloid, tsika-tsika.
“I don’t know Awra. This is my kind of aura now,” sabi pa ng misis ni Derek Ramsay.
Ganun...
Kakai, nakabili na ng sariling bahay!
Aminado ang komedyanang si Kakai Bautista na mukha talaga siyang pera.
“Mukha talaga akong pera. Sino bang hindi mukhang pera? Naku lahat ng tao mukhang pera. Jusko hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, ‘di ba. So depende ‘yun sa tao kung hanggang saan ‘yung pagiging mukhang pera niya. Kung gagamitin niya ba ‘yun sa masama o mabuti. ‘Di ba mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan lalo na ‘yung family ko. Syempre ‘di ba uunahin natin ‘yung pamilya natin ‘di ba. Kapag marami kang pera, marami kang mapapasaya. Totoo ‘yan, ‘di ba,” madiing sagot ng komedyana nang maka-chika namin last Friday night sa Beautederm headquarters sa Angeles, Pampanga, pagkatapos ng isang impromptu mini concert na organized ng President and CEO ng Beautederm na si Ms. Rei Tan.
“Dream natin ng maraming work. Ako work work lang talaga ako. Doon tayo sa kung saan may work doon tayo. Happy naman ako eh,” dagdag pa ng komedyana na ang galing ding singer.
Kaya ngayon daw, happy and fulfilled ang pakiramdam niya dahil naibili na niya ng bahay ang parents niya two years ago pa sa Laguna.
“Two years ago pa tapos ‘yung isang malaking, good achievement ko this year is nakabili na rin ako for myself. Dyan lang sa tabi tabi. So happy na ‘ko at least ‘di ba. Inuna ko muna ‘yung family ko bago ako,” proud na pagkukuwento pa nito pero ayaw idetalye kung anong bahay ang nabili niya sa sarili.
Hindi mo naman nararamdaman na may kulang? Tanong sa kanya ng mga nag-i-interview na press na mabilis na nakuha ni Kakai kung saan na patutungo ang nasabing tanong. “Ayan na naman tayo eh. Wala. Punung-puno pa ako. Punung-puno ako. Masyado akong happy mag-isa ngayon.”
Basta raw sa kasalukuyan gusto niyang tumulong sa kanyang pamilya.
“Hangga’t kaya ko tutulong ako. Saka ako kasi ang goal ko ngayon mapasaya ko ‘yung mga magulang ko saka ‘yung mga kapatid ko kasi gusto makapag-travel kami. So mukha akong pera. Magtatrabaho ako.
“Recently kasi first time kasing umalis ng Papa ko abroad kasi 70th birthday niya. So trineat ko sila ni Mama sa Hong Kong. First ever nila ‘yun. Business class ko sila tapos hindi naman bonggang hotel. Alam mo ‘yun para lang maranasan nila. Kasi ako travel nang travel eh ‘di ba ‘pag magulang natin gusto nila ‘yung oh birthday, nak perahin mo na lang. Sabi ko this time, hindi, aalis tayo, Ma. Alis tayo, Pa,” mahaba pa nitong chika.
Apat daw silang umalis at talagang sinulit nila ang nasabing biyahe.
“‘Yung pinsan ko kasama ko. Apat lang kami so pinasyal ko lang talaga si Mama’t Papa sa Disneyland. Kasi ‘yung pinsan ko first time rin niya. So sabay ko lumaki ‘yung pinsan ko. Hindi pa siya nakakaalis ng bansa. So first time niya umalis ng Pilipinas. So nag-Disneyland kami, namasyal kami, kumain kami ng masarap kasi parang ako naman ‘yung travel nang travel dahil nga privilege ko ‘yun sa work ‘di ba. Marami akong chances to travel because of my work, my job. So ngayon medyo maayos na. Hindi na kami hikahos sa buhay. So it’s time naman to pasyal ko naman ‘yung aking family.”
Pre-pandemic nung mag-umpisa siyang umalis every year. “Pangako ko every year aalis talaga ako. Magta-travel ako alone. So, kung meron man akong kikitaing mga friends, doon ko na kikitain sa ibang bansa. So ginagawa ko s’ya every year.”
Anong paborito mong bansa?
“Ah, Europe. So na-inlove talaga ako sa Europe.”
Sa Asia?
“Ay wala. Philippines, charot! Syempre favorite ko Japan. Thailand ba gusto mo marinig? Masarap ang pagkain dun. Actually, lahat naman sa Asia na bansa konti na lang hindi ko napupuntahan. Vietnam, Cambodia, Laos pero nakapunta na akong Malaysia, Thailand, Indonesia nakapunta na ako.”
Thailand dahil minsan na siyang na-link sa Thai actor na hindi pwedeng banggitin ang pangalan dahil umabot na sa korte ang usapin.
Masaya ba siya sa mga naging karanasan doon?
“Oo naman. Masarap ang pagkain. Sa kalye lang ako kumakain don. Kasi mas masarap sa kalye. Talaga ‘yung mga mukha n’yo talaga ‘pag sinabing Thailand.”
Ngayon ang SB19 member na si Stell ang kanyang kinababaliwan.
“Nung nalaman ko ‘yung istorya niya tapos naging sobrang fan ako. Tapos si Stell sobrang nagustuhan ko siya kasi marami na akong kaibigan na nakakapag-work with him kasi sobrang bait saka grabe ‘yung ang galing-galing niya sumayaw. Ang galing niya kumanta tapos grabe ‘yung glow up tapos ang bait bait pa. Napakasimpleng tao.”
- Latest