^

Pang Movies

Juliana, walang planong magpakasal nang maaga

Salve V. Asis - Pang-masa

MANILA, Philippines — Wala nang balak si Juliana Gomez na balikan ang volleyball.

Tututukan na lang niya ang fencing.

Na ikinatuwa ng daddy niyang si Cong. Richard Gomez.

Member ng volleyball team ng UP Diliman si Juliana bago siya nag-concentrate sa fencing.

Recently ay nag-champion siya sa UAAP.

 “My priority is to defend the championship titles in the UAAP,” pag-amin niya.

Kamakailan din lang ay nakakuha siya ng gold medal sa Malaysia.

“And of course, I also I want to be able to join the national team. So, ongoing din ‘yung qualifiers dun,” sabi niya pa nang maka-chika namin ang only daughter nina Rep. Richard and Mayor Lucy Torres sa Ormoc.

Paliwanag pa ni Juliana, sa Philippine national ranking tatlong competition ang kailangan niya upang ma-qualify sa Philippine national team for fencing.

Kaya naman, araw-araw ang training ng unica hija ng mag-asawang Gomez.

Pero sa kabila ng kanyang training, office staff pa rin siya sa Congress ng kanyang ama.

Pero ga-graduate na siya kaya naman mas magiging manageable na ang schedule niya.

Malakas ang fencers ng Ormoc. “They’re one of my toughest competitors for sure,” aniya na mas tiyak na lalakas pa dahil sa bagong bukas nilang Fencing Hall.

Ang Ormoc lang ang probinsya na may Fencing Hall.

“Several places in Manila. I think, but Ormoc is the only province that actually has a fencing hall, but I’m not positive on that. But ang daming fencing hall dun sa Manila,” na funded pala ng Sports commission pero sa kanilang probinsya ay ang Local Government Unit ang nagpa-fund paglilinaw pa ni Juliana.

Isang semester na lang ang natitira niya sa UP.

Pero itutuloy niya ito, nagpaplano siyang mag-Masters.  “I really wanna see what I can do. I really wanna challenge myself, but apart from that, of course I want to study.

“I want to take up Masters. I just want to continue.”

Aniya, isa itong personal interest.

Pero pagkaklaro niya ay hindi naman ito nangangahulugan na magpupulitika rin siya tulad ng kanyang mga magulang na nag-celebrate ng kanilang 25th wedding anniversary noong nakaraang Abril 28.

Pagdating sa lovelife, hindi nakikita ni Juliana na magpapakasal na siya.

“It’s different now, ‘di ba? Because during my mom’s time, or during my grandparents’ time, people got married earlier.

“It’s different now. And I’m still in college,” katwiran niya na walang yabang sa katawan pag kausap mo.

Gary V., nahilo sa sobrang init!

Parang mas exciting ngayon ang Threads.

Daming MariThreads!

Kabilang sa mabilis na-enjoy si Pia Wurtzbach.

Lalo na nga raw at panget ang karanasan niya sa Twitter.

“I also remember being stalked & ridiculed by a certain account for YEARS. And regularly too. This person was reading into every single post, comment, video I was doing on every platform, including all my family & close friends. They would also message the endorsements & brands I work with to destroy me with made up narratives.

“It was wild 

“I reported many MANY times with clear evidence but Twitter did nothing. It was clearly slander & abusive behavior. I had to sit there & take it for years,” aniya sa kanyang Thread post.

Pero medyo naloka na rin siya dahil nakita niyang may naghuhubad na rin.

“May mga naghuhubad na.

“Can we please post those on Instagram instead?,” apela ng bagong kasal na beauty queen.

Iba ang Threads.

Parang mas may privacy at parang organic pa ang mga post.

Trending ito at parang iba ang crowd. Hindi pa toxic.

Anyway, sa Thread din inamin ni Gary na na-dizzy siya nung mag-golf siya kasama sina Ogie Alcasid and Christian Bautista. Paalala niya na mag-ingat sa sobrang init ng panahon.

“Just came from playing golf with Ogie and Christian B.

Golf course was great. The game is always great to play. But the weather, the climate, the heat!!!! First time I felt myself ever get dizzy on the fairways. Whew!!!! Stay very well hydrated friends. This heat is serious!!!”

Basketball idols, tampok sa GMA Masterclass: The Sports Series

Talagang achieve na achieve ang greatness sa San Juan City ngayong Sabado, July 8, dahil dadalhin ng GMA Regional TV and Synergy sa Barangay Greenhills Multi-Purpose Hall ang GMA Masterclass: The Sports Series. Magsisimula ito ganap na 1PM.

Mahahasa ang skills ng young basketball enthusiasts dahil no less than ang basketball idol na si  Rommel “The General” Adducul ang magtuturo sa kanila. Kasama ring gagabay sa kanila sina Christiana Dimaunahan, Danielle Kelsey Mallari ng Arellano Chiefs, Enoch Valdez ng LPU Pirates, at Ralph Penuela ng San Beda Red Lions.

Ito na ang third stop ng GMA Masterclass: The Sports Series matapos itong magtungo sa Tarlac noong June 24 at Batangas noong July 1 kung saan ang mga Philippine basketabll legends na sina Ronnie “The Point Laureate” Magsanoc at Johnny “The Flying A” Abarrientos ang kasama ng mga NCAA players sa pagtuturo sa mga kabataang gustong sumabak sa basketball.

JULIANA GOMEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with