^

Pang Movies

Dingdong, hinalukay ang selos noon kay Jessa

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Dingdong, hinalukay ang selos noon kay Jessa
Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza

Inamin ni Jessa Zaragoza sa Fast Talk with Boy Abunda na nagiging confrontational siya tuwing may umaaligid sa mister niyang si Dingdong Avanzado.

Bakas daw sa kanyang boses ‘pag galit na siya dahil bumababa raw ang tono nito pero hindi naman daw siya ang tipo na nang-aaway.

Hindi rin daw siya palasigaw pero ipinaparinig niya ang kanyang galit.

Ayon naman sa mister niyang si Dingdong ay kailanman hindi siya pinagselos ni Jessa pero paminsan daw ay pinagseselosan na niya ang telepono nito dahil doon daw ito abala at nakatutok pero naiintindihan naman daw niya ito.

Kahit na dalawampu’t dalawang taon na silang kasal ay ang dami pa rin daw nilang nadidiskubre sa isa’t isa. Ang dami pa rin daw nilang natututunan na akala nila ay alam na nila ang lahat.

May nadiskubre naman daw si Dingdong kay Jessa at ito raw ang pagiging sobrang kalog nito na hindi pa nito naipakita noong nagsisimula pa lang sila.

Very throwback. Hahaha. Bongga.

vuukle comment

DINGDONG AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with