^

Pang Movies

Napag-iwanan na?!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Napag-iwanan na?!
TVJ at Dabarkads

Umaatikabo ang bakbakan sa noontime shows simula sa July 1, 2023, Sabado!

Siyempre, windang ang lahat nang kunin ni Manny V. Pangi­linan ng TV5 sina Tito, Vic and Joey kasama ang legit Dabarkads para sa noontime slot nito.

Eh dahil tapos na ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5, isinabay ng GMA na aampunin ang It’s Showtime na mapapanood na sa sister channel ng GMA na GNTV simula sa July 1.

Parang napag-iwanan tuloy ang bagong Eat Bulaga sa GMA 7. Mas pinag-usapan ang TVJ sa 5 at Showtime sa GNTV!

Pero sa Media day ng TVJ sa TV5 last Tuesday, bitin pa rin ang lahat kung ano ang magiging title ng programa ng legit darabarkads sa TV5. Sa July 1 na raw malalaman ang title ng kanilang show.

Ayon kay Senator Tito Sotto, may inaayos silang legalities. Alam niyang si Joey de Leon ang creator ng Eat Bulaga. At sa Copyright Law ayon kay Tito Sen, ang creator ang may-ari nito sa unang araw ng creation.

Eh pagdating sa trademark, may kinalaman sa ito sa goods and merchandise.

Para kay Vic Sotto, sa kanila ang Eat Bulaga ng mahigit 44 years, tapos, kukunin na lang basta sa kanila?

Para kay Joey, first time na mangyayari sa TV kung ang show ay iba-iba ang title kada araw!

Basta si Joey, naiyak nang sabihin niyang gustong ipatanggal ang Bawal Judgmental kung saan hosts sina Ryan Agoncillo, Allan K, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros. “Magagaling ang mga ‘yan dahil delikado minsan ang guests. Pero nag-iisip sila dahil ayaw nilang maka-offend ng guests,” pahayag ni Joey.

May halo mang biro ang pahayag ni Joey, natuto na rin siyang mag-Facebook live gaya ni Bossing, huh!

Basta para kay Joey, sumigla ang mundo ng telebisyon ngayon at sino ang gumawa nito? Of course, ang TVJ at Legit Dabarkads.

Kahit sa wala pang title ang show sa TV5, sa studio ng TV5 ang venue ng pilot telecast at hindi sa Araneta o Philippine Arena sa Bulacan!

Eat Bulaga, Let’s Eat With Legit Dabarkads? Basta, kumpleto ang TVJ at Legit Dabarkads sa TV5 simula sa July 1!

vuukle comment

DABARKADS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with