^

Pang Movies

Gardo, naudlot ang pangalawang angioplasty

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Gardo, naudlot ang pangalawang angioplasty
Gardo
STAR/ File

Nagkaroon ng komplikasyon...

Hindi pala natuloy ang second angioplasty procedure na dapat gagawin kay Gardo Versoza nitong first week ng June dahil sa komplikasyon.

Ito ang ibinalita ni Boy Abunda sa Fast Talk with Boy Abunda noong June 15 episode.

Sa balita ni Boy, nabanggit na muling nahirapang huminga at nakaram­dam ng sobrang pananakit ng kanyang likod, isang araw bago gawin ang second angioplasty. Naging rason ‘yun para isugod muli sa ospital si Gardo at nadiskubreng bumagsak ang kaniyang hemoglobin at kinailangan siyang salinan ng dugo.

Ayon kay Boy, okay na ang lagay ngayon niya, nagpapahinga at nagpapalakas. After two weeks, sasailalim uli sa tests ang aktor para malaman kung puwede nang ituloy ang second angioplasty niya.

Sa kanyang Instagram, tuloy ang dance videos niya at mababasa ang paalala ng kanyang followers na maghinay-hinay siya sa pagsaway na sigurado namang ginagawa niya.

Fans nina James at Nadine, tuloy pa rin ang bardagulan

Grabe ang bardagulan ng fans nina Nadine Lustre at James Reid dahil pati ang boyfriend ni Nadine na si Christophe Bariou nadamay. Ang pinag-ugatan ng bardagulan ng dalawang grupo ay ang post ni James na ang caption ay “London-Bristol-Marseille” siya kasama ang girlfriend na si Issa Pressman.

May fan kasi ni Nadine na nag-comment na kumita na ng malaki si Nadine at si Chris ay may steady business kaya nagbakasyon sila sa France at ibang parte sa Europe at nagre-relax sila.

Pagkatapos i-flex na may pera sina Nadine at BF nito, shineyr si James na hindi raw makapagbakasyon kung walang work dahil mahal ang pamasahe. Dito na nagsimula ang sagutan ng dalawang kampo ng fans.

Kumita raw si Nadine dahil sa Viva at ang business ni Christophe ay sa parents niya at hindi sa kanya. Samantalang si James ay passion ang mag-travel at kumikita pa. Hirit pa ng isang fan ni James, hindi nakasisiguro ang fans ni Nadine na bakasyon ang ipinunta nila Nadine sa France, baka raw para magpa-check up si Christophe.

Sagot naman ng fans ni Nadine, cancer survivor si Christophe at three years ago pa siya nagkasakit at totally healed na. Kaya fake news ang sinasabi ng fans ni James.

In the end, sabi ng fans ni James, tantanan na nila si James, mag-move on na sila at kung gusto nilang magkalat ay sa account ni Nadine.

Raymart, maiksi ang pa-birthday kay Jodi

Simple lang ang birthday greetings ni Raymart Santiago kay Jodi Sta. Maria na nag-celebrate ng kanyang 41st birthday noong June 16. Sabi lang ni Raymart, ‘Happiest birthday  to you’ pero bumawi si Raymart sa emoji na red heart kasunod ng kanyang message.

Hindi lang sila nakapag-celebrate together sa birthday ni Jodi dahil nag-travel ang aktres sa Kazakhstan, Kyrgyzstan, at Uzbekistan kasama ang anak na si Thirdy.

Marami ang nainggit kina Jodi at Thirdy dahil sa mga nasabing bansa sila pumunta kesa cosmopolitan cities and countries na pinupuntahan ng karamihan sa mga celebrity. Ang ganda ng photos nila suot pa ang national costume ng Kazakhstan at may kasama pang malaking ibon.

Isa sa nag-comment sa post ni Jodi ay ang kapareha niya sa Unbreak my Heart na si Richard Yap.

Anyway, may konting inis ang viewers sa karakter ni Richard sa series dahil inaapi raw si Jodi.

vuukle comment

GARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with