^

Pang Movies

Kelvin, nag-enjoy kay Kate

Gorgy Rula - Pang-masa
Kelvin, nag-enjoy kay Kate
Kelvin at Kate

Thankful si Kelvin Miranda sa sunud-sunod na projects na dumara­ting sa kanya.

Hindi rin siya pinabayaan ng GMA 7, na pagkatapos ng Unica Hija, isinama siya sa bagong sitcom ni Sen. Bong Revilla na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Na-enjoy ng Kapuso actor ang samahan nila sa taping, pero ang isa sa maganda pa rito ay itinuloy ang loveteam nila ni Kate Valdez.

Nakakabuo na ng fans ang KateVin tandem at suportado nila ang project na pinagsamahan nilang dalawa.

Pero posible kayang ma-in love si Kelvin kay Kate habang pursigido sa panliligaw sa aktres si Yasser Mata?  “Depende po e,” pakli ni Kelvin.

Kaya lang inaasahan daw ng KateVin fans nila na magkatuluyan silang dalawa.

Bukod sa sitcom ay todo promote na rin siya ng bagong pelikula niya sa Netflix na nag-stream na nung June 1.

Ang Missed Connections na ka-partner naman niya si Miles Ocampo kasama si Chie Filomeno.

Paolo, kumpirmadong magiging bagong haligi ng Eat Bulaga?!

Ayaw nang patulan ni Paolo Contis ang isyung pinapalitan ang apelyido ng anak niya kay Lian Paz.

Ayaw niya rin munang magsalita sa ngayon, pero tinitiyak niya sa aming hindi siya magpapabaya sa kanyang mga anak.

Mas gusto niyang mag-focus na muna sa panibagong challenge sa kanyang showbiz career, ang tumayong main host sa Eat Bulaga na mina-manage na ngayon ng Jalosjos siblings ng TAPE, Inc.

Darating ang araw na malalaman naman daw ng lahat kung ano ang mga inilaan niya sa kanyang anak.

Noon pa man ay matagal nang hangad ni Paolo na maayos na ang komunikasyon niya sa kanyang mga anak through sa mga nanay nila, kay Lian Paz at LJ Reyes.

vuukle comment

KELVIN MIRANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with