^

Pang Movies

Robin, ‘di pinabayaan si John

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Pasado alas-siyete ng umaga noong June 3, 2023 nang makarating sa amin ang balitang pumanaw na ang beteranong actor na si John Regala (John Paul Guido Boucher Scheerer in real life), 58 sa ICU ng New Era Hospital in Quezon City.

Ayon sa second wife ni John na si Victoria `Gina’ Alonzo, John was in and out of the hospital this year – January, March at nitong May 9 ay muli itong ibinalik ng pagamutan until he passed on noong June 3 ng 6:28 a.m. Ito’y may kinalaman sa kanyang lingering illness, cirrhosis of the liver at iba pang komplikasyon na naging daan ng pagkakaroon ng tubig sa kanyang tiyan at baga.

A couple of years ago, siya ay natagpuang walang malay sa bukana ng isang mall in Cavite at isang good Samaritan came to his rescue. And in 2020 sa gitna ng pandemic ay muling natagpuan si John ng isang grab driver in Pasay na tila nanghihina at kamuntik bumagsak. Dito na kami pumasok nina Nadia Montenegro, Chuckie Dreyfuss, Liza Diño and former Partylist Rep. Ronnie Ong na tumulong sa kanya to raise funds at siya’y maipagamot. Pero dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari, nagkaroon kami ng falling out with John hanggang sa kanyang pagyao.

Unknown to many, wala pa man ang grupo namin noon nina Nadia, Chuckie, Liza at Rep. Ronnie sa pagtulong kay John ay naroon na kami for him. He would always contact us for help. May instances pa nga na lumapit kami kay Coco Martin through his manager na si Biboy Arboleda, Rez Cortez, Imelda Papin at iba pa para humingi ng tulong for him. In 2016, tinulungan ni Coco si John at inilagay niya ito sa kanyang action-drama series na FPJ’s Ang Probinsyano. Ito bale ang kahuli-hulihang acting job niya bago siya pumanaw.

Lately, it was Sen. Robin Padilla (a relative) ang tumulong sa ailing actor.

Kasama ang depresyon sa nagpabagsak ng kalusugan ni John dahil sa kanyang kawalan ng trabaho bilang actor.

Si John ay may isang biological son na si John Paul Kieffer Manansala sa kanyang unang wife na si Aurina Alvarez Manansala-Hunt na naka-base na sa Amerika and now married sa isang American national na si Stephen ‘Steve’ Hunt pero wala silang anak.

Ang second and present wife ni John ay si Victoria ‘Gina’ Alonzo na may isang stepson ang actor.

Si John ay anak ng yumaong veteran actress na si Ruby Regala at dating actor na si Mel Francisco kung kanino estranged sa anak nung ito’y nabubuhay pa.

Samantala, kahapon, June 4, ang simula ng burol ni John sa St. Peter Chapels along Commonwealth Avenue in Quezon City. Interment details to follow.

vuukle comment

JOHN REGALA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with