^

Pang Movies

Snooky, maraming beses naloko!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Snooky, maraming beses naloko!
Snooky Serna

Inamin ni Snooky Serna na naranasan niya ring mapagsabay noon ng kanyang karelasyon sa ibang babae.

Sa Trip to The Hotseat segment ng Sarap, ‘Di Ba?, sumalang sa isang hotseat interview si Snooky.

Isa sa naging tanong ng host ng programa na si Carmina Villarroel kay Snooky, ay tungkol sa kanyang naging past relationship.

“Nakaranas ka na ba na pagsabayin kayo ng isang girl sa isang relationship?” tanong ni Carmina kay Snooky.

“It happened to me, yes,” mabilis na sagot ni Snooky.

“Paano mo na-confirm o paano mo nalaman?” muling tanong ni Carmina.

Dito na ikinuwento ni Snooky na hindi lang ito nangyari ng isang beses, kundi makailang ulit din niya itong naranasan hindi lang sa isang tao.

“Actually kasi sa aking mga relationship in the past hindi lang ito nangyari minsan, meron pa sa ibang relationship ko hindi lang sa isang tao na na-two time ako and iba’t ibang circumstance, iba’t ibang situation e, sa isa naikuwento sa akin ng bestfriend ko, sa isa naman nakita ko talaga sa airport, nahuli ko talaga with my own eyes.”

Aminado rin si Snooky na naging “tanga” rin siya sa pag-ibig.

“Ito ang masakit kasi ang attitude ko nung araw, nung nangyari ‘yung mga ‘yun masyado akong ano e, wallflower type, masyado akong passive, naive, and stupid at that time. I’d like to believe na matalino naman ako pero may times talaga in our lives na nagiging tanga tayo, like ako, I’m a fool for love. Pero ngayon ibang usapan na. I negotiate.”

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with