^

Pang Movies

Tina Turner, inalala ni Gino Padilla

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Tina Turner, inalala ni Gino Padilla
Tina at Gino

Inalala ng singer na si Gino Padilla ang rock singer na si Tina Turner na pumanaw nitong nakaraang araw sa edad na 83.

“Rest in peace @mstinaturner…I will be forever grateful to the legend who took chance on me and was an integral part of my career. Without you, I would not be where I am today. Thank you for the memories,” caption ni Gino sa litrato nila ni Tina sa kanyang Instagram.

Nakasama ni Gino si Tina sa isang softdrinks commercial kung saan batambata pa si Gino.

Paul, nakipagbardagulan sa mga ka-brgy ni Mikee

Namataan namin si Paul Salas sa ancestral house ng girlfriend na si Mikee Quintos sa Samaloc, Manila.

Eh kapag mahaba ang bakante at walang trabaho, nakikisalamuha si Paul sa mga tao sa barangay na nasasakupan ng sister ni Mikee na isang barangay kagawad at konsehal.

Sa isang video na inilabas ni Paul, makikita siyang nakikipagkaldagan ng sayaw sa mga kababaihan sa barangay.

Tuwang-tuwa naman ang mga nakaispat at nakasayaw ni  Paul, huh! Todo bigay rin naman kasi ang BF ni Mikee at walang arteng nakipagbiruan sa mga tao roon.

At least, may nakatira nang Mikee sa barangay nila, may bonus pang Paul Salas na nakikibardagulan sa kanila sa sayawan, huh!

vuukle comment

TINA TURNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with