Manilyn, pinaghintay sa taping ng ‘di sikat na star
May panahon na itinuring na pinakasikat na artistang babae si Manilyn Reynes. May panahon pa ngang iginawa siya ng isang musical show na naging flag carrier ng noon ay nangungunang TV station, ang RPN 9, at tinawag siyang Star of the New Decade. Akala nila iyon ang bagong makakapalit ni Nora Aunor.
In fact nang simulan nila ang show na iyon ni Manilyn, kasisibak lang nila ng Superstar ni Nora Aunor na bumagsak na ang ratings at natural wala nang commercials. Siyempre hindi pumayag ang fans ni Nora, naroroon sila sa paligid ng Araneta Coliseum, nagpapapirma sa mga taong dumaraan ng kanilang manifesto, ang gusto nila ay makakuha ng isang milyong pirma na ihaharap nila sa management ng RPN 9 para patunayang malakas pa ang following ni Nora at hindi dapat sibakin ang kanyang show. Aywan kung nakakuha nga ba sila ng isang milyong pirma noon pero pagkatapos ng pirmahan wala na kaming narinig, hindi naman ibinalik ng RPN ang Superstar, at mukhang ni hindi nila pinansin ang pirmahan.
Itinuloy nila ang show ni Manilyn na hindi rin naman nila nasuportahan kaya hindi tumagal. Si Manilyn may talent, may personalidad, pero ang kulang ay career backup. Mayroon siyang TV show pero walang nagpu-push sa kanyang mga pelikula, wala siyang suporta para makakuha ng mas maraming fans, in short kulang ang buildup.
Pero si Manilyn, kahit sumikat nang todo hindi iyan nagyabang, hindi naging prima donna, at iyong narinig nga namin ngayon lang, pinaghintay siya sa set ng isang star na hindi naman masyadong sikat, pero hinayaan lang niya. Hindi siya umangal dahil baka raw sabihin kung sino siya.
Eh kung si Liza Soberano kaya iyan, hindi kaya nagtatalak na at nangaral how stars should be professionals? Para sa mga artista noong araw kagaya ni Manilyn, mas mahalaga ang mabuting pagsasamahan ng mga magkakasama sa trabaho.
Ethel Booba, tinalakan ang staff ng show ni Dingdong!
Pero kung minsan naman, hindi mo masisisi kung tumalak ang mga artista. Valid iyong pagtalak ni Ethel Booba doon sa staff ng show ni Dingdong Dantes. Ini-schedule raw siyang maging guest sa show. Ok naman sa kanya. Hindi lang namin alam kung nasaan siya ngayon at sinabi niyang kailangan niyang bumili ng ticket sa eroplano para makarating sa taping.
Tapos hindi lang daw minsan kundi dalawang beses cancelled ang scheduled taping. Bumili na siya ng ticket sa eroplano na hindi naman ire-refund sa kanya ng show.
Bakit nga ba naman hindi nila linawin kung kailan talaga guest ang isang artista para hindi naman sila perwisyo?
Miss Cebu, ‘di alam na bawal ang paggamit ng damit ng Sto. Niño!
Usap-usapan ngayon iyong pagsuot ng Miss Cebu ng vestment ng Sto. Niño na pinalabas na national costume raw.
Ano ba ang takbo ng utak niyang gumagawa ng damit ng mga sumasali sa pageant. Tama ba iyong damit ng Sto. Niño ang ipasuot? Siguro nang iniisip nila popular na debosyon sa Cebu ang Sto. Niño na hindi nman natin maikakaila na sa kanila nga nagsimula, pero ibig bang sabihin hindi alam ng mga bakla na hindi dapat ginagawa ng ganoon?
Hindi sa pagbibintang lang iyan, pero naniniwala kami na mga bakla ang gumawa niyan. Simula nang maging majority na ang mga bakla diyan sa mga beauty pageant kung anu-ano na ang lumalabas.
- Latest