Paolo, napaamin si Ashley!
Inihayag ni Ashley Ortega ang kanyang mga natutunan sa relasyon nila ni Lucena City Mayor Mark Alcala na nauwi sa hiwalayan. Handa na kaya siyang magmahal muli?
“Based on my experience at sa mga natutunan ko, mas okay din ‘yung mas mahal na mahal ka ng lalaki,” sabi ni Ashley sa online talk show na Just In.
“Hindi ko rin masasabi kung mas mahal ko ba siya or mas mahal niya ako. It’s more of I learned things lang na it didn’t go well in the end. And natutunan ko rin na huwag nang masyadong mag-expect sa isang tao kasi sometimes you get disappointed if it didn’t happen,” pagpapatuloy ni Ashley.
Inilahad ng host na si Paolo Contis ang kanyang pananaw na bilang isang babae, may karapatan din si Ashley na mag-expect sa kanyang karelasyon.
Kasabay nito, inilahad niyang hindi pa muna siya handang pumasok sa isang relasyon. “I don’t think I’m ready to commit to someone and ready to love. But I’m healed, I’m happy in life right now. Hindi ko lang kaya talagang mag-jump into another relationship. Siguro sa past relationship ko lang, I just learned, the typical line, na hindi mo puwedeng ibigay lahat, kailangan may natitira ka sa sarili mo,” sabi ni Ashley tungkol sa kaniyang karanasan.
Tinanong ni Paolo si Ashley kung ano ang gagawin niya kung sakaling makita niya ang kaniyang ex. “Siguro mag-smile lang ako. I don’t think I can be friends with him,” ayon sa aktres.
Matteo, pinangalanan ang mga gustong makatrabaho!
Marami agad na projects para sa bagong Kapuso na si Matteo Guidicelli. Kabilang na riyan ang Unang Hirit kung saan siya mapapanood simula Lunes, May 15, bilang host.
Karamihan sa kanyang future shows ay ipo-produce ng GMA Public Affairs gaya ng docu special tungkol sa kalikasan at action series na ipapalabas sa GMA Telebabad ngayong 2023 na may titulong Black Rider kung saan makakasama niya si Ruru Madrid.
Nakatakda ring mag-host si Matteo ng isang sports special sa ilalim ng GMA Synergy.
Samantala, pinangalanan ni Matteo kung sinu-sino pang Kapuso stars ang gusto niyang makatrabaho.
Kung bibigyan ng pagkakataon, nais niya raw makasama sa isang proyekto sina Dingdong Dantes, Kim Atienza, Ryan Agoncillo, Solenn Heussaff, Drew Arellano, at Iya Villania.
- Latest