Patrick, nasayang ang career noon
Nakumbinsi raw ulit si Patrick Garcia na umarte sa isang project dahil makakasama niya ang mga barkada niyang artista na nakasama sa Tabing Ilog.
Si Patrick ang isang artistang nakakahinayang.
Noong matindi ang popularidad niyan, parang naulit ang panahon ni Aga Muhlach.
Nagkamali lang sila ng diskarte.
Sa halip na samantalahin muna ang pagiging matinee idol ni Patrick noong araw, iginawa nila ng mabigat na pelikula, ang Batang PX. Napatunayan nga nilang magaling siyang aktor pero hindi naman naging big hit ang pelikula kaya’t hindi na nasundan.
Tapos nasundan pa iyon ng controversy nang nabuntis niya si Jennylyn Mercado at nasira siya sa kung anu-anong statement na lumabas.
Bumaba na ang popularidad niya pagkatapos noon at hindi naman nakabangon.
Kung hindi lang sila mali ng diskarte sa project, siguro hanggang ngayon mataas pa rin ang popularidad ni Patrick at may isa pa tayong matibay na leading man.
Masasabing biktima rin si Patrick ng mga negative publicity.
Mga rumampa sa bikini ball, naging ordinaryo
Ang daming mga baguhan na nagsipag-bikini sa ginawang Bikini Ball ng Star Magic.
Kaya’t hindi masyadong napansin iyon dahil hindi pa nga kilala ‘yung iba.
Saka mananalo ba sila sa inilalabas ng Vivamax.
Mga naka-bikini lang sila, sa Vivamax wala nang bikini ang mga babae.
Ang mga lalaki nilang stars, kita rin lang ang mga abs na marami na ring nakikita sa internet.
At saka aminin na natin, habang walang prangkisa ang ABS-CBN at sa cable lang at social media sila aktibo hindi gaanong mapapansin ang mga pinakikilala nila.
Dating sikat na male bold star, nanghihingi na lang ng pambili ng bigas
Hindi rin namin alam kung siya nga iyon, kasi nag-message lang naman siya sa chat. Isang dating sikat na male bold star ang nakikiusap na padalhan daw siya sa GCash kahit na P500 lang, pambili ng bigas dahil hindi pa raw sila kumakain ng pamilya niya at gutom na sila.
Una, hindi naman namin kilala nang personal ang dating male bold star, kaya duda rin kami kung bakit sa amin siya hihingi ng pambili nila ng bigas. Sa ngayon gusto mo mang tumulong magdududa ka, bakit nga ba nangyayari sa kanila iyon.
Totoo bang ang isang artista nawawalan ng pambili lang ng bigas, at saka magdududa ka dahil iyang male bold star na iyan ay nagbisyo rin ng droga noon.
Ang alam naman namin may trabaho siya, at saka lumalabas pa rin siya paminsan-minsan. Bakit kaya mangyayaring wala silang makain?
At bakit manghihingi sa hindi naman nila kilala nang personal?
Baka naman na-hack lang siya?
- Latest