^

Pang Movies

Rabiya at Jeric, kasal na lang daw ang kulang

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Nagpakilig sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo sa short convo nila na mababasa sa Instagram ni Rabiya. Ang caption ni Rabiya sa post niya ay “Walking through life with a grateful heart” habang naglalakad  sa GMA Annex Studios.

Unang nag-comment si Jeric“Hi baby” na sinagot ni Rabiya ng “@jericgonzales07 Hello po Kuya. May gf po kayo? Hahahaha,” na sinagot ni Jeric ng “@rabiyamateo yes po ikaw po.”

Biniro si Rabiya na kinilig daw at agad pinusuan ng netizens ang short convo na ‘yun ng dalawa at may mga nag-wish na sana, hindi na sila maghiwalay at maging forever na ang kanilang relasyon.

Kung puwede nga raw magpakasal na ang dalawa na malabo pang mangyari sa ngayon dahil pareho pa silang focus sa kani-kanyang career.

Si Jeric, nagtapos na ang Mga Lihim ni Urduja at si Rabiya naman ay nagte-taping na ng Royal Blood na airing sa GMA Telebabad.

Saka, marami pa raw pangarap si Rabiya para sa kanyang pamilya at sigurado namang naiintindihan siya ni Jeric.

Jinkee, mababawasan na ang pambili ng OOTD?!

Pasaway ang netizens sa mga comment sa pagkatalo ni Manny Pacquiao sa civil lawsuit sa Amerika na isinampa ng Paradigm Sports Management. Pinagbaba­yad kasi si Manny ng $5.1M o P282 million sa Philippine pesos.

Sa laki raw ng ibabayad nito sa Paradigm Sports Management, mababawasan ang pambili ni Jinkee Pacquiao ng kanyang OOTD. Nakikita kasi nila sa mga latest post ni Jinkee na umaabot sa milyon ang isang araw niyang suot, kapag nagbayad si Manny, baka hindi na raw muna makabili ng kanyang OOTD si Jinkee.

May mga nagsabi namang sa rami ng pera ni Manny, makakaya niyang magbayad ng P282 million.

Sakali mang kulangin ang kanilang cash, puwede nilang ibenta ang isa sa marami nilang mga bahay at may resort pa nga sila sa General Santos City.

O, ‘di ba, updated ang netizens sa ari-arian ng mga Pacquiao at alam din nila ang mga brand ng bags, shoes, dresses at pati jewelry ni Jinkee. Dahil ito sa nakabantay sila tuwing may post ito kapag lumalabas ng bahay o nagta-travel.

Sabi naman ng lawyer ni Manny, hindi pa final ang desisyon at aapela pa sila, kaya matagal pa siguro bago magbayad ng milyones si Manny.

Luis, sinupalpal ang mga nakikialam sa pangalan ng anak

Pati pangalan ng baby nina Luis Manzano at Jessy Mendiola, pinakikialaman na ng ibang fans. Sa isang vlog, naikuwento ni Luis na may mga nagsasabi sa social media na ‘wag na nilang tawaging Peanut ang baby nila at Rosie na lang dapat ang itawag sa baby nila.

Tama naman ang comment ni Luis na “Hindi ako na-inform na kayo nagluwal sa kanya sa mundo.” Hopefully, sa sinabing ito ni Luis ay titigilan na ng iba ang pakialaman ang pangalan ng baby.

Anyway, mabuti at hindi pa nakakapagsalita si Baby Peanut dahil kung nagsasalita na ito, baka magreklamo sa opposing comments kung sino ang kamukha niya. May mga ngsabi kasing kamukha niya si Jessy, mayroon namang ang tingin ay si Luis ang kamukha ng baby. Luis na Luis daw si Baby Peanut.

May naniniwala namang ang brother ni Luis na si Ryan Christian ang nakahawig nito.

vuukle comment

JERIC GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with