^

Pang Movies

Dionne, anak lang ang bitbit pagbalik sa ‘Pinas

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Dionne, anak lang ang bitbit pagbalik sa �Pinas
Dionne at Sienna

Taong 2021 nang i-announce ng ex-PBB housemate-turned Kapamilya actress na si Dionne Monsanto na siya’y mamimirmihan na ng Switzerland kung saan naka-base ang kanyang husband na ngayon, ang Filipino-Swiss na si Ryan Stalder kasama ang kanilang one-year-old daughter (bukas, April 18) na si Sienna.

Dionne and Ryan got engaged nung Feb. 6, 2021 in Switzerland na sinundan ng kanilang intimate wedding ceremony nung March 8, 2021.

While Dionne is enjoying her life in Switzerland kasama ang kanyang mag-ama, hindi nito ikinakaila na may times ding nahu-homesick siya dahil narito sa Pilipinas ang kanyang pamilya, mga kaibigan at dating trabaho. Kaya nang magkaroon siya ng pagkakataon ay dumating siya ng Pilipinas bitbit ang kanyang daughter na si Sienna for a vacation. Hindi nakasama sa kanila ang kanyang husband na si Ryan.

Gusto kasi ng aktres na matutunan at malaman ng kanyang anak ang kanyang Filipino roots at culture habang ito’y lumalaki.

Umuwi ng Cebu si Dionne with her daughter kung saan naka-base ang kanyang pamilya. Isinama niya ang anak sa pamamasyal hanggang sa kanilang pamamalengke with her mom.

Masaya ang aktres na pagkatapos ng dalawang taon ay muli siyang nakabalik ng Pilipinas.

Samantala, hindi akalain ng dating Kapamilya actress na magkakaroon pa siya ng chance na makagawa ng isang TV series magmula nang mamirmihan siya sa Switzerland. Pero nang mag-taping ang maituturing na makasaysayang partnership sa pagitan ng GMA, ABS-CBN at streaming provider na Viu ay naisakatuparan ang special project na Unbreak My Heart na kinunan mismo sa Switzerland at dito naisip ng Dreamscape Entertainment ni Deo Endrinal na isama sa nasabing serye si Dionne.

Suwerte naman at nasa Switzerland at that time ang sister niya kaya ito muna ang nag-alaga sa kanyang anak habang siya’y nagti-taping. May work naman ang kanyang husband.

Natutuwa si Dionne na hindi umano siya nakalimutang isama sa Unbreak My Heart na tinatampukan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia, Richard Yap at Gabbi Garcia mula sa magkatulong na pamamahala nina Manny Palo at Dolly Dulu.

Rep. Lani, doble ang celebration

Naging emotional si Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. nang tawagan siya ng kanyang anak na si Inah Bautista-del Rosario (na naka-base in Davao with her family) na siya’y pumasa sa bar exams na ang resulta ay inilabas ng Supreme Court nung nakaraang Biyernes, April 14.

Si Inah ay pangatlo sa mga anak nina Sen. Bong at Rep. Lani Mercado-Revilla at panganay sa mga anak nilang babae.

Inah was only 18 years old at 23 naman naman noon ang kanyang husband na si Vince del Rosario nang sila’y magpakasal. The former actress was already pregnant noon sa panganay nilang anak na si Alexa Daniella.

Alam ni Inah na disappointed sa kanya ang kanyang parents maging ang kanyang mga kapatid sa maaga niyang pag-aasawa pero nagbitaw ito ng pangako sa kanyang parents na tatapusin umano niya ang kanyang pag-aaral sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng sariling pamilya – her husband and three kids.

Dahil sa matinding pinagdaanan ng kanilang pamilya dahil sa pagkakakulong noon ni Sen. Bong, lalong nagpursigi si Inah na tapusin ang kanyang pag-aaral ng abogasya at hindi nabigo ang kanyang parents at mga kapatid sa kanya.

Ngayong isa nang full-fledged lawyer si Inah, hindi napigilan ng kanyang senador na ama ang maiyak sa sobrang tuwa at pagiging proud parents nila ni Rep. Lani.

vuukle comment

DIONNE MONSANTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with