^

Pang Movies

AllTV, binalak bilhin ang TV Patrol!  

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Tsismis lang ito sa amin ha. Nag-alok daw ang AllTV owners na bibilhin nila ang brand name ng TV Patrol, pero mukhang nagbigay ang mga Lopez ng napakataas na presyo kaya umurong ang bagong network at sinabing gagawa na lang daw sila ng sarili nilang brand para sa kanilang news. Nauna rito, ang bagong network ay nagre-rebroadcast lamang ng news mula sa CNN Philippines.

At bakit nga ba tila nag-aalangan ang AllTV na gumawa ng sarili nilang mga balita eh mukhang may mga nakukuha naman silang mahuhusay na news personalities para sumali sa kanilang network. Kung nakuha nila ang TV Patrol, baka hindi rin maganda para sa kanilang bagong network dahil iyon ay masyado na ngang identified sa ngayon ay nakasarado nang ABS-CBN.

Tumatak ang mga kanta...

Simula noong nakaraang taon, tatlong sunud-sunod na film bio na ginawa ni director Joven Tan ang aming napanood.

Una ang kontrobersiyal na kuwento tungkol sa healing priest na si Fernando Suarez. Tapos ginawa niya ang buhay ni Yorme Isko Moreno na na­ging kontrobersiyal din at naipit ang pagpapalabas sa sinehan dahil inabot iyon ng panahon ng eleksiyon. At ngayon nga itong Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko na film bio ng composer at singer na si Rey Valera.

Walang controversy si Valera, at masasabi ngang tipong love story iyan, ang pag-ibig ng isang composer sa kanyang musika. From rags to riches ang istorya, pero totoo iyon at ibinatay iyon sa mga likha niyang musika.

Iisa ang character sa mga film bio na iyon. Napakaraming mga sikat na artistang kasali sa pelikula. Iyang mga artistang iyan, binabasa muna ang script at pinag-aaralan ang kanilang role bago iyon tanggapin, pero aywan nga ba kung papaano sila nakukumbinsi ni direk Joven kahit na cameo role lamang. Siguro hindi naman natin masasabing goodwill lang ang dahilan. Palagay namin kaya sila pumapayag ay dahil nakikita rin nila ang potentials ng proyekto.

Hindi naman maikakaila na ang talagang layunin kaya ginawa ang pelikulang iyan ay para kumita, pero oras na iyan ay kumita, ang mas panalo ay si Valera. Hindi lamang niya nagawang itanim sa isipan ng mga tao ang kanyang musika, makukumbinsi pa niya ang mga iyon na iyan nga ang tipo ng kanilang musika hanggang sa pagputi ng buhok nila. Matagal din ang plano sa pelikulang iyan.

Noong una, ang plano nila ay gawin ang pelikula para maging bahagi ng isang internet streaming network na itinayo nila. Pero ngayong nagbukas na nga ang mga sinehan, at nagkaroon pa ng Summer Metro Manila Film Festival na kung saan nakasali naman sila. Nagbago nga ang plano at ilalabas na nila iyan sa mga sinehan.

Dating sikat na matinee idol, inabandona ng fans

Malaking damage control na naman ang kailangan ng isang dating sikat na matinee idol, dahil biglang kumalas sa kanya ang isang malaking sektor ng kanyang mga dating fans na ngayon ay nakasuporta na lang sa dati niyang ka-love team. Aywan kung makukuha pa nga niya ang mga dati niyang fans sa pangiti-ngiti niya.

At napakasakit ng ibinabato sa kanya ng mga dati niyang fans na ngayon ay nagsasabing siya ay “gunggong umarte.” Biglang balikwas ang fans niya eh, na siguro hindi rin naman niya inaasahan, pero natural na yata sa mga tao na lumalayo na sa mga talunan.

REY VALERA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with