Nathalie, ‘di atat pakasal
Di atat pakasal ang sexy actress na si Nathalie Hart.
Last year, nang magkaroon ng annoucement ang engagement niya sa foreigner fiance, si Brad Robert.
Kelan ba siya pakakasal?
“Hindi naman kami nagmamadali. We are taking our time. Right now, we are both so busy. So no need to rush,” aniya kahapon sa isang Zoom conference para sa kanyang ‘comeback’ movie na Kunwari... Mahal Kita na ipapalabas na sa mga sinehan starting tomorrow, Wednesday.
Baka raw after a year saka lang niya isipin ang pagpapakasal.
Mahirap daw madaliin ang ganun.
Last August nang mag-propose sa kanya si Brad.
Mas abala si Nathalie ngayon sa anak na si Penelope na big na rin daw.
“She is now going to school. So while she’s in school, I go to the gym and attend to my business, Gayatree Organics, which will soon have a rebranding with us coming out with new products,” chika niya pa niya.
Bukod sa pag-travel-travel sa Australia, nag-training din siya sa Philippine army for two months.
Nagkaroon aniya siya ng dalawang buwang pagsasanay kasama ang Philippine Army.
“I had the best two months of training with the Philippine army. I’ve learned stability under pressure, discipline and resiliency in any complex challenges. Thank you for all the great values and knowledge,” aniya pagkatapos ng training.
Anyway, huling napanood si Nathalie sa pelikula Reroute starring John Arcilla sa Vivamax.
At ngayon nga kasama niya sa Kunwari... Mahal Kita sina Ryza Cenon and Joseph Marco, directed by Roderick Lindayag.
Alin nga ba ang mas madali: ang magpanggap na in-love or magtago ng pagmamahal? Alin ang mas masakit: ang nagmahal ka pero niloko o minahal ka pero hindi totoo?
Damhin ang pagkalito at sakit na dulot ng ganitong sitwasyon sa pelikulang Kunwari… Mahal Kita, mula sa direksyon ni Roderick Lindayag.
Si Nathalie Hart ay si Cindy Soriano, ang career-oriented na misis ni Greg (Joseph Marco). Nakukuha nito ang anumang gustuhin niya. At sa ngayon, gusto niya ng annulment.
Pero nang makita niya si Greg na kasama si Hydes (Ryza Cenon), nagulat siya sa kanyang naramdaman.
Bakit apektado pa siya na may girlfriend na ang asawa?
Mula sa Viva Films, ipalalabas ito sa mga sinehan on March 15, 2023.
Ito raw ‘yung pelikula na ang gaan ng pakiramdam nila habang ginagawa ito.
Kumustang katrabaho sila Joseph?
“Joseph is fun to work with. Nagkatrabaho na kami before sa Regal in The Rebound Girl. I played his former girlfriend. Si Ryza rin, magaan katrabaho kasi she’s so simple. She doesn’t like an artista kundi parang mga normal na tao lang kami sa set. Si Direk Roderick, nakatrabaho ko na rin before and he is so nice, not a terror director so enjoy lang kami sa set.”
Magkakaroon ito ng premiere night sa SM The Block North Edsa this Tuesday night.
May three-picture contract siya sa Viva kaya asahang magiging active na ulit siya after a year.
Maging sa social media ay magpaparamdam na ulit siya.
“I signed up for a three-movie contract with Viva but I’ve been busy lately because of my business. Pabalik-balik ako sa Australia. My manager nga, Leo Dominguez, is asking me kung gusto ko pang mag-artista and I said yes, I’m ready to accept another project. Okay lang sa akin kahit sexy ang project basta maganda and I have a good role. Also, I’d be more active sa social media kasi I haven’t been posting anything lately. I also had a guesting in Family Feud.”
Idinonate niya ang napanalunan sa Paws Philippines.
Wala rin siyang pakialam sa mga basher at ngayon ay naging practical na siya sa buhay.
- Latest