^

Pang Movies

Paul, natakot agad ilantad si Mikee!

Gorgy Rula - Pang-masa
Paul, natakot agad ilantad si Mikee!
Paul at Mikee

MANILA, Philippines — Magtu-two years na pala ang relasyon nina Paul Salas at Mikee Quintos, at dito lang sa bagong romantic drama series nilang The Write One sila naging open sa kanilang relasyon.

Nakapag-guest na raw sila sa ilang shows, kagaya ng Mano Po, pero dito lang sa The Write One sila nag-out talaga. Matagal-tagal na rin pala silang magkasintahan, pero nung una raw ay nag-aalangan pa silang i-open sa publiko ang kanilang relasyon dahil si Paul daw ang natatakot.

Nanggaling ang takot niyang ‘yun sa mga nakaraan niyang nakarelasyon. Kaya mas gusto niyang tahimik na lang muna silang dalawa.

Pahayag ni Mikee, “I saw a side in Paul na… we were open about this recently, na when I realized na he was scared to go out sa public, at the beginning.

“But when we talked about it and in-explain niya the reason why, he was scared. Parang hindi ko kayang suportahan ‘yung hindi niya… ‘yung reason na ‘yun bakit kinakabahan siya mag-out.

“Sabi ko when you’re ready, sa right time, nandito ako. Ready akong tulungan siya at kailangan mo ‘yang harapin, walang problema sa akin i-out if it’s gonna make you feel like… ‘yung love, like this is the real thing, this is worth it.”

Sabi naman ni Paul, medyo nagkaroon ng trauma talaga.

“Siguro, ibibigay sa iyo ni God ‘yung the right one. Hindi mo namalayan, kasi nung una nung nagkakadebelopan pa kami, parang in denial pa kami e.”

Ang hiling lang ni Paul na sana dito na raw kay Mikee niya makita ang maganda niyang future at iba ito sa mga nakaraan niyang nakarelasyon.

Mapapanood na ito sa March 20 sa GMA Telebabad at sa March 18 naman sa VIU.  

vuukle comment

PAUL SALAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with