^

Pang Movies

Kahit may ILY na... Rayver, ‘di pa official kay Julie Anne

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kahit may ILY na... Rayver, �di pa official kay Julie Anne
Rayver at Julia
STAR/ File

Ayon kay Rayver Cruz, hindi pa raw sila maiko-consi­der na official (boyfriend/girlfriend) kahit na nga ba nagsabihan na sila ng “I love you” sa isa’t isa ni Julie Anne San Jose.

“Kasi, may mga kino-consider pa naman tayo like sina tito and tita (parents ni Julie Anne), mga magulang. Masasabi ko na deeper level ‘yung samahan namin,” ani Rayver nang makatsikahan namin sa kanyang contract signing with Beautederm.

MU (mutual understanding)? “May understanding kami, yes. Pero ‘wag kayong mag-alala, guys. Kasi ‘pag official na official naman talaga, malalaman n’yo,” sey ng Kapuso actor.

So, ano ba ‘yung “I love you” nila sa isa’t isa? “Mga bugso ng damdamin. Pero ako talaga, hindi ko naman dine-deny na mahal ko siya,” katuwiran ng aktor.

Hindi pa ba official ‘yun? “Eh kasi, siyempre, gusto ko rin ‘yung alam mo ‘yun, ‘yung respeto sa magulang niya,” he said.

Basta sey ni Rayver, hindi naman daw nila itatago if ever na talagang official na.

When asked kung si Julie Anne na ba talaga ang “the one” at gusto niyang makasama till the end, ang bilis ng sagot ni Rayver. “Yes, for me, she’s the one. She’s the one,” he said.

Samantala, masayang-masaya si Rayver na maganda ang pasok ng taon hindi lang para sa kanya kundi ma­ging para sa kanyang lady love rin.

“Masaya kasi talagang sunud-sunod ang blessings for me and for her. Nakakatuwa kasi ang ganda ng pasok ng taon and talagang grateful and very blessed to be part of Beautederm family,” saad ni Rayver.

Ruru, ayaw na uling saktan si Bianca

Isa pang super-in love ngayon ay si Ruru Madrid na kasabay rin ni Rayver na nag-renew ng kontrata sa Beautederm.

Of course, sino pa nga ba ang kanyang super love kundi ang girlfriend na si Bianca Umali. Tulad ni Rayver, very vocal din ito sa pagsasabing gusto rin niyang forever na sila ng GF. “I’m 25, so, nando’n na ako sa stage ng buhay ko na ayoko nang sayangin itong panahon na ‘to. I mean, ayoko nang bumalik du’n sa moment ng buhay ko na parang happy-go-lucky lang ako, magpa-party ako, lalabas ako, kung saan-saan ako mapupunta.

“Kasi nakita ko na po ‘yung kung ano ang kahalagahan ng mga bagay na meron ako ngayon. ‘Yun ‘yung trabaho ko, ‘yung career ko. I’m sure, hindi naman habang-buhay, ganito siya kainit. So, hangga’t nandiyan po ‘yun, gusto kong namnamin, gusto kong i-enjoy,” sey niya.

Nang matanong nga kung hindi na ba siya babaero ngayon, agad niyang sagot, “ay naku, hindi na talaga.”

May mga paghanga pa rin daw siya sa ibang girls pero hanggang doon na lang daw ‘yun dahil ayaw niyang sayangin ang ibinigay na 2nd chance ni Bianca sa kanya. “Nagkadahilan siya dati para magselos. Pero sabi ko nga sa kanya lalo na noong binigyan niya ako ng isa pang pagkakataon, hindi ko na hahayaan na masayang ang tiwala na ibinigay niya sa akin.

“So, ayoko nang makita siyang masaktan, ayoko nang makita siyang umiiyak,” saad ni Ruru.

vuukle comment

JULIE ANNE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with