^

Pang Movies

Marlo, nag-trending sa pabakat!

Gorgy Rula - Pang-masa
Marlo, nag-trending sa pabakat!
Marlo Mortel

MANILA, Philippines — Nag-trending pala itong Instagram post ni Marlo Mortel na kuha sa torture scene sa kanya sa musical film nilang Ako Si Ninoy.

Sa eksenang ‘yun ay naka-underwear lang siya at nakabitin na nakatali ang dalawang kamay.

Sabi niya sa kanyang caption, “Probably one of the most challenging roles I’ve done.”

Marami ang bumati sa kanya sa comments sa post na ‘yun, pero ang nakakaloka, mas napansin nila ang pabakat ni Marlo sa suot niyang underwear na nababasa pa.

May ilang comments na sinasabing alas-dose ang pabakat, at meron ding nagsasabing “zoom in zoom out.”

Kapag isu-zoom in, kitang-kita ang bakat nito.

Ang hahalay pa ng komento ng iba, na tila pinagpantasyahan na ang singer/actor.

Nung nakatsikahan namin si Marlo sa premiere night ng Ako Si Ninoy na ginanap sa Rockwell, Power Plant, ikinuwento na niyang first time lang daw niyang maghubad na naka-underwear sa pelikula.

“Itong Ninoy, first time ko ‘yan kasi first time kong mag-underwear sa pelikula or series, dahil nga totorturen ako!

“Talagang torture talagang madugo!” bulalas ni Marlo.

Mabuti na lang at hindi naman daw siya pinag­hubad, kagaya ng ginawa kay Johnrey Rivas sa Katips ni direk Vince Tañada.

“Hindi naman ginawa nila sa akin ‘yun, buti na lang,” bulalas ni Marlo.

Hindi pa raw siya handa ngayon na magpa-sexy dahil kailangan pa niyang paghandaan ang katawan niya.

“Sa ngayon, hindi pa talaga dahil ang katawan ko naman hindi pa prepared,” pakli ni Marlo.

Pero kung sakaling okay na ang katawan niya, mapapahubad kaya siya nang bonggang-bongga sa isang sexy film na pang-Vivamax?

“Kung maganda siya, kung hindi siya pang-sexy na ano.

“Depende. Depende sa kung gaano kaganda ‘yung istorya, ‘yung project, I don’t mind,” saad ni Marlo.

Pero mahilig din naman siya mag-post ng sexy photos niya sa Instagram.

“Kasi tumatanda na rin naman tayo.

“So, minsan talaga mahilig na ako mag-post ng ganun. Pero hanggang ganun lang. Virgin pa ako!” napapangiti niyang pahayag.

Showing pa sa ilang sinehan ang Ako si Ninoy.

vuukle comment

MARLO MORTEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with