^

Pang Movies

Tirso, rarampa sa Berlin International Filmfest   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Tirso, rarampa sa Berlin International Filmfest              

Finale week na simula ngayong Monday ng GMA’s top-rating historical fantasy portal drama series na Maria Clara at Ibarra kaya nagpasalamat si Tirso Cruz III who portrayed the role of Padre Damaso, ang tunay na ama ni Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal. 

Sa isang interview ay nasabi ni Pip, na kahit galit sa kanya ang viewers dahil sa kanyang role, kapag nakikita raw naman siya sa labas ay binabati siya at nagpapa-picture pa sa kanya.

Tamang-tama naman na natapos na ni Pip ang death scene niya sa serye, bago siya lumipad for Germany, para mag-attend ng 73rd annual Berlin International Film Festival (Berlinale), as Chairman of the Film Development Council of the Philippines (FDCP). Kasama ni Pip ang ilang members ng FDCP, kasama rin niya ang wife niyang si Lynn and daughter Djanin. Tatagal sila sa Berlin ng 12 days, from Feb. 16 to 26.

Ibinalita rin ni Pip na for two years, wala palang naganap na Berlinale dahil sa COVID-19 pandemic. This year muling ibinalik ang festival and they added an award for best TV series.

Isa pang on vacation ay si Barbie Forteza, who played the role of Klay. May karapatan si Barbie na magbakasyon dahil naging napakahirap ng mga eksena niyang ginawa, sa modern world at sa panahon ng mga Kastila sa Noli at Fili books na isinulat ni Dr. Jose Rizal. Nagbakasyon siya, hindi magtatagal si Barbie, dahil pagbalik niya sa bansa, may gagawin silang isang movie ng bago niyang ka-loveteam, ang Pambansang Ginoo, si David Licauco or si Fidel. Aabangan sa pagtatapos ng serye if  Klay will stay inside the novel or if Fidel will join her in the modern world. #MCI every night, 8 p.m. after 24 Oras sa GMA 7.

TIRSO CRUZ III

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with