^

Pang Movies

Lexi, nag-first move kay Gil!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Lexi, nag-first move kay Gil!
Lexi at Gil

Kinilig ang mga nakapanood ng vlog nina Gil Cuerva at Lexi Gonzales kung paano nila sinelebrayt ang Valentine’s Day. Hindi pa namin napanood ng buo ang vlog at doon pa lang kami sa simula na sinabi ni Lexi na nagugutom siya at kiniss siya ni Gil sa noo.

Sabi tuloy ng fans, sana lahat ng nagugutom, bukod sa pinapakain ay hinahalikan din sa noo para mas mabilis mabusog. Reading sa comments, pabor ang netizens sa relasyon ng dalawa sa mga bida ng Underage at magkamukha na nga raw silang dalawa.

Nakyutan din ang fans sa kuwento ng aktor na si Lexi ang unang nagparamdam na type siya nito at nagkataon namang single na siya that time dahil break na sa model-influencer niyang girlfriend, kaya sila’y nagkagustuhan.

Hindi niya kinokorek ang kuwento nito sa kung paano nagsimula ang kanilang relasyon at siya ang unang nagparamdam. Ibig sabihin, totoo at totoo rin na sa taping ng Taste Buddies sila unang nagkita at nagkakilala.

In fairness kay Gil, kahit bago pa lang ang kanilang relasyon, ipinakilala na niya ito sa kanyang pamilya.

Spanish ang dad ni Gil at Spanish yata ang isa sa salita sa bahay nila at ang pabirong payo ng fans kay Lexi, mag-aral ng Spa­nish.

Rochelle, ilalabas ang pagiging amasona

Siguradong natuwa ang fans ni Rochelle Pangilinan na kasama siya sa cast ng Mga Lihim ni Urduja dahil nababanggit pa lang ang mystical megaserye ng GMA 7, may fans na nag-lobby sa GMA 7 at sinabing dapat kasama sa cast siya.

Bagay raw kasi kay Rochelle ang Mga Lihim ni Urduja dahil sa Filipina look niya at magko-compliment sila ni Sanya Lopez. Natupad din ang request ng fans ni Rochelle na sana magkasama sila sa mga eksena dahil ang ginagampanang role ni Rochelle na si Dayang Salaknib ay most trusted Amazon ni Urduja na ginagampanan ni Sanya.

vuukle comment

LEXI GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with