^

Pang Movies

Gil, ayaw akuin ang pag-mature ni Lexi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gil, ayaw akuin ang pag-mature ni Lexi
Lexi at Gil

Malaki ang pinagbago ni Lexi Gonzales ngayon mula sa kanyang pagkilos at pag-aayos. Malayung-malayo sa Lexi na neneng-nene pa noong sumali ito sa StarStruck noong 2019.
Ang pakikipagrelasyon daw ni Lexi kay Gil Cuerva ang dahilan kung bakit mabilis itong nag-mature. Pero sinabi ni Gil na noong nakilala raw niya si Lexi ay mature na ang pag-iisip nito. “I have nothing to do with Lexi’s maturity. It’s all her. Noong una kong makilala si Lexi, she was not like other girls na kaedad niya. Mature na siyang mag-isip talaga. Ngayon lang natin siya nakikitang nagbu-bloom into the woman she is meant to be,” sey ni Gil.
Sey naman ni Lexi na mabilis daw siyang nag-mature dahil sa sitwasyon ng pamilya niya. Kailangan daw niyang magtrabaho nang maaga para makatulong sa mga araw-araw nilang gastusin. “To work po at an early age, nakaka-mature po siya. While other girls my age ay chill lang na nag-aaral at namamasyal kunsaan-saan, ako po, I had to work for my family. No regrets naman po because I grew up very fast. Na-discover ko agad ‘yung hirap na magtrabaho para maalagaan mo ang pamilya mo.”
Kaya bagay na bagay kay Lexi ang role niya sa Underage bilang nakakatandang kapatid na handang ipagtanggol ang kanyang mga kapatid.

Carla at Wil, nilantad na ang matagal na relasyon

Ginawa nang official nina Carla Humphries at Wil Dasovich ang kanilang relasyon na matagal na yatang alam ng ilang mga taong malapit sa kanila. Sa pamamagitan ng vlog ni Wil, ni-reveal na ng dalawa ang tunay na status ng kanilang relasyon. May title ang vlog na Dear Wil, may aaminin ako...

Gumawa ng letter si Carla para kay Wil at pinakita pa niya ang pagiging emotional niya sa sandaling iyon. Ito ang nilalaman ng video ni Carla: “Since everyone has been wondering what we mean to each other, I figured I should tell you in my own words. Looking back at all our adventures, you’ve been extremely instrumental in me reintroducing myself into the world. Thank you for all the videos, Beshy.”

Noong July 2022 nang biglang ma-link romantically si Carla kay Wil. That time ay matagal nang hiwalay si Wil sa ex-girlfriend nitong si Alodia Gosiengfiao. Naghiwalay sila noong November 2021.
Agad na pinakilala ni Wil si Carla sa kanyang pamilya. Pero pinakilala niya si Carla bilang best friend niya. Nagko-collab kasi ang dalawa sa paggawa ng videos para sa kanilang vlogs.

vuukle comment

WIL DASOVICH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with