^

Pang Movies

Rocco at Melissa, laging may pa-costume sa anak

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang bongga naman ng mag-asawang Rocco Nacino and Melissa Gohing.

Enjoy na enjoy sila sa pagdamit sa kanilang baby EZ sa monthly celebration nito na iba’t ibang superhero ang tema.

Sa una at pangalawang buwan nito ay dinamitan nila ito ng Baby Hulk and Baby Thor, at sa ika-third month nito ay ang cute nito nang sinuotan nila ito ng Black Panther costume na may kasama ring little headdress.

Nagbiro pa ang aktor na huwag sanang magalit si baby EZ paglaki nito sa kanila dahil sa mga costume na kanilang ipinasusuot rito.

Ayon nga kay Melissa ay hindi rin madaling kuhanan ng pictures ang baby nila dahil malikot na ito na kaya’t challenging na rin daw.

Lutang ang saya ng mag-asawa sa mga litratong ipinost nila sa social media na kasama ang kanilang anak. Tinawag nila itong ‘greatest birthday gift’ and “answered prayer” ng professional volleyball player. Bongga.

vuukle comment

ROCCO NACINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with