^

Pang Movies

El Fili..., papasok na sa Maria Clara...   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
El Fili..., papasok na sa Maria Clara...                
Barbie

Starting on Monday, Jan. 23, papasok na ang historical fantasy portal series na Maria Clara at Ibarra sa book two, iiwanan na nila ang Noli Me Tangere at magsisimula na ang book two ng pangalawang aklat na sinulat ni Dr. Jose Rizal, ang El Filibusterismo.

Tatapusin muna ni Klay (Barbie Forteza) ang mga ganap kina Maria Clara at Cristostomo Ibarra. Aalis si Ibarra na hindi sinabi kay Maria Clara kung saan siya pupunta.

May mga pagbabago nang magaganap sa story, at isa rito ay mababago na ang anyo ni Crisostomo sa bago niyang katauhan bilang si Simoun, ang pangunahing tauhan sa El Fili.

Lalaki na ang batang si Basilio, na gagampanan ni Khalil Ramos, ang naiwang anak ni Sisa.

Nalalapit na ang pagwawakas nito na napapanood sa GMA 7, 8 p.m.

Kaya naman may clamor ang netizens na pagtambalin daw sina Barbie Forteza at David Licauco sa isang solo teleserye. Lahat kasing sumusubaybay sa kanila sa #MCI ay pinupuri ang kanilang pagganap sa serye as Fidel at Klay kaya iginawa na sila ng FiLay love team. Kaya pareho silang thankful sa requests ng fans. “I’m really so thankful for the praises that writers and netizens are giving us,” sabi ni Barbie. “Actually, lahat kami, we didn’t expect na magiging ganoon kainit ang pagtanggap nila sa aming show, sa simula pa lamang ng serye at nagpasalamat din kami dahil na-maintain namin ang a­ming high ratings every night.”

Minsan nang nagtambal sina Barbie at David sa una nilang soap together, ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, pero hindi iyon tinanggap ng viewers. Pero this time, kahit alam ng netizens na may relasyon na sina Barbie at Kapuso actor Jak Roberto, tinanggap pa rin nila ang FiLay loveteam. Siguro raw ay natuwa ang viewers na sa simula ng serye, para silang aso’t pusa hanggang sa naging close na sila sa isa’t isa sa story. Kaya ang tanong ng mga netizens, sa pagbalik ba ni Klay sa present world, makakasama pa rin niya si Fidel?

May isa pa ngang magandang balita, kinuhang endorsers sina Barbie at David ng Ishin products,  an oral food supplement that can whiten and brighten your skin’s complexion, all at reasonable prices.

vuukle comment

MARIA CLARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with