^

Pang Movies

Snooky at Sunshine, parehong may konek sa Kamison  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Snooky at Sunshine, parehong may konek sa Kamison                 
Snooky

Kapwa naka-relate sina Snooky Serna and Sunshine Cruz sa mga bida ng bagong GMA Afternoon Prime series na Underage dahil may eksena sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo, at Hailey Mendes na nakaputing kamison sila sa isang eksena.
Nakaranas ng magkaibang experience sina Snooky at Sunshine noong pasuotin sila ng puting kamison sa pelikula nila.

Child star si Snooky noong ‘70s hanggang sa maging Regal Baby siya noong maging teenager ito. Noong bigyan siya ng launching film noong 1981 na Bata Pa Si Sabel, na-trauma raw ito dahil pinilit daw siyang pasuotin ng puting kamison noong nagsu-shooting sila.

“Sa totoo lang, iniyakan ko ‘yung eksenang pinapagawa sa akin. I was somehow traumatized. Pinipilit nila ako na isuot ‘yung puting kamison. Pakiramdam ko that time, ginagawa nila akong sexy star. Kaya iniyakan ko talaga. Pero wala akong magawa dahil utos ‘yun ni Mother Lily (Monteverde). Ang ginawa na lang nila ay pinatu­ngan nila ‘yung mga parts ng katawan ko na puwedeng makita kapag nabasa ‘yung kamison. Ginawa ko pa rin’yung eksena kahit labag sa kalooban ko,” sey ni Snooky.

Sa kaso naman ni Sunshine ay game na game raw siyang magsuot ng puting kamison noong i-launch siya bilang Regal Baby noong 1992 sa pelikulang First Time... Like A Virgin kasabay sina Jackie Forster, Karla Estrada at Shirley Fuentes.

“The first time na pinasuot ako ng puting kamison was in a comedy. Kamison ‘yun na may terno na shorts tapos ang eksena ay nag-iigib ako ng tubig. Tapos may mga lalake sa pilahan ng tubig na parang binososohan ako. ‘Yung father ko dun was Rene Requiestas at siya ‘yung sumita sa mga lalakeng binabastos. Comedy ‘yung eksena kaya okey lang. Noong mag-artista ako, okey sa akin kung ano ang ipasuot sa akin. Ito kasi ang gusto kong gawin talaga. Hanggang dumating na sa point in my career na wala na akong suot na kahit kamison, ‘di ba?” tawa pa ni Sunshine.

Sa Underage ay gaganap si Sunshine bilang ina nina Lexi, Elijah at Hailey. Si Snooky naman ay gaganap na kontrabida na aapihin ang tatlong bidang babae

Bea, kumpleto ang coverage ng blowout sa mga Aeta 

Kahit tapos na ang Pasko, pinaramdam pa rin ito ni Bea Alonzo sa kanyang mga kapitbahay na Aeta sa kanyang farm sa Zambales.

Ngayon lang daw kasi nagkaroon ng panahon si Bea para mapaghandaan ang kanilang Aeta neighbors at iparamdam sa mga ito na naisip niya ang mga ito noong nakaraang Pasko.

Dahil sa sunud-sunod na trabaho at pag-out of the country trips ng aktres kaya kelan lang niya naayos ang isang belated Christmas party para sa mga ito.

Sa pinost na vlog ni Bea, kasama niya ang kanyang ina at ang kapatid na si James sa pag-prepare ng mga pagkain. Nagluto sila ng chicken hamonado, arroz valenciana or bringhe, spaghetti, at ilan na pang-merienda.

Bilang pasasalamat ay sumayaw ang mga Aeta children para sa pamilya ni Bea.

This year ay gagawa ng series si Bea with Dennis Trillo na collaboration ng GMA at Viu. Bale reunion team-up ito ni Bea with Dennis na nakasama niya sa TV show noon sa ABS-CBN na K2BU noong 2002. Unang lumipat ng GMA si Dennis para gawin ang TV shows na Kahit Kailan, Twin Hearts at Mulawin. Hanggang sa marating na niya ang maging Kapuso Drama King.

Rihanna, naghahanda ng pasabog sa Super Bowl

Nag-release ng teaser si Rihanna ng kanyang upcoming halftime performance para sa Super Bowl ngayong 2023.

Laman ng 30-second video ay ilang audio clips news ng biglang pagkawala niya sa music industry for six years. Pero nagbalik last year si Rihanna at inawit niya ang theme song ng Marvel film na Black Panther: Wakanda Forever na Lift Me Up, na agad pumasok sa Billboard Top Charts at number 2.

Maraming gagawing pasabog si Rihanna sa muling pagbalik niya sa pag-perform sa Half-Time Show ng Super Bowl na inaabangan ng milyun-milyong televiewers.

Ilang sa mga nag-perform sa Super Bowl ay sina Madonna, Beyonce, Katy Perry, Bruno Mars, The Weeknd, Lady Gaga, Adam Levine, Santana, Diana Ross, Janet Jackson, Justin Timberlake, Jennifer Lopez, Shakira, Snoop Dog, Prince, and Bruce Springsteen.

vuukle comment

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with