^

Pang Movies

Lexi, Elijah at Hailey, naging biktima ng bashing at bullying

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Kasabay rin sa pag-ere ng primetime series na Luv Is on Jan. 16 ay ang Underage na sa GMA Afternoon Prime naman at bida sina Lexi Gonzales, Elijah Alejo at Hailey Mendes.

Re-imagined version ito ng 1980 Underage movie ng Regal Films na pinagbidahan noon nina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Maricel Soriano.
Tatalakay sa pagkawala ng innocence ng tatlong magkakapatid dahil sa isang kumalat na video sa social media. Nasangkot ang magkakapatid sa iba’t ibang batikos hanggang sa maapektuhan na ang kanilang pamilya at maiba ang takbo ng buhay nila.

May kanya-kanyang kuwento sina Lexi, Elijah at Hailey tungkol sa pagiging biktima rin nila ng social media bashing at bullying. May kanya-kanya rin silang paraan kung paano nila hinarap ito.

Sey ni Lexi: “’Wag ka na lang sumagot. That’s the best thing to do I guess. Kapag pinatulan mo kasi, marami ang makikisawsaw sa issue at dadami pa ang bashing at bullying. Kaya sa simula pa lang, block and delete. ‘Yun ang magandang gawin.”

Sey ni Elijah: “Naging victim po ako ng bashing dahil sa isang pinost ko na mali ang interpretation ng netizens. Naapektuhan po ako to the point na ayaw ko nang lumabas ng bahay. But I learned to cope with it at nagi­ging maingat na ako sa paggamit ng social media.”
Sey ni Hailey: “Noong una po, hindi ko pinapansin mga comments nila sa akin. I just want to do my own thing. But later on, naging conscious na rin ako sa mga comments. Naging maingat na rin ako sa mga pino-post kong videos pati sa pag-accept ng friends.”

Kabilang din sa Underage sina Snooky Serna, Sunshine Cruz, Gil Cuerva, Nikki Co, Jean Saburit, Yayo Aguila, Christian Bautista, Vince Crisostomo, Maey Bautista and Smokey Manaloto.

Nag-iisang anak ni Elvis Presley, namatay sa cardiac arrest

Pumanaw na ang nag-iisang anak ng King of Rock & Roll Elvis Presley na si Lisa Marie Presley sa edad na 54. Na-cardiac arrest ito sa kanyang tahanan sa Calabasas, California noong Jan. 12.

Huling nakita in public si Lisa Marie ay sa nakaraang Golden Globe Awards kung saan kasama pa niya ang kanyang 77-year-old mother na si Priscilla Presley. Um-attend sila ng awards night para suportahan si Austin Butler na nagwaging best actor para sa pelikulang Elvis.

Born in Memphis, Tennessee on Feb. 1, 1968, dinala sa Los Angeles si Lisa Marie at age 4 noong mag-divorce sina Elvis at Priscilla in 1973. Nine years old si Lisa Marie noong pumanaw si Elvis in 1977 at ginawa siyang joint heir sa estate kasama ang grandfather na si Vernon Presley and great-grandmother Minnie Mae Hood Presley.

Noong pumanaw ang dalawa, si Lisa Marie ang naging sole heir ng iniwang malaking property ni Elvis na Graceland.

Apat na beses na kinasal at na-divorce si Lisa Marie. Una ay sa Chicago-based musician na si Danny Keough (1988-1994), pangalawa sa King of Pop na si Michael Jackson (1994-1996), pangatlo sa Oscar winner na si Nicholas Cage (2002-2004) at pang-apat sa guitarist at music producer na si Michael Lockwood (2006-2016).

Apat ang naging anak ni Lisa Marie.
Isang philantropist din si Lisa Marie at maraming natulungan na homeless families at mga kabataan sa pamamagitan ng Elvis Presley Charitable Foundation.

vuukle comment

LEXI GONZALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with