^

Pang Movies

Joaquin, nagbago nang maging ama

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Joaquin, nagbago nang maging ama
Joaquin

Binago ng anak ang pananaw sa buhay ng young actor na si Joaquin Domagoso. Sa edad na 21 eh may anak na sila ng partner niyang anak ng isang TV broadcaster. “Naiintindihan ko na ang madalas na sinasabi sa akin ng tatay ko noon. May hirap sa simula pero lagi ako napapangiti ng anak ko,” pahayag ni Joaquin nang humarap sa entertainment media sa unang pagkakataon sa presscon ng movie niyang That Boy in the Dark na showing na sa Jan. 8.

“I am very happy. Napaaga lang kasi gusto ko na 24 years old eh may anak na ako. No regrets naman dahil masaya ang pamilya namin,” sambit pa ni Joaquin.

Unknown to many, matagal nang girlfriend ni Joaquin ang kanyang partner bago sila nagkaanak.

Anyway, sa debut movie na sinulat ni Gina Marissa Tagasa at dinirek ni Adolf Alix, Jr., pinahirapan siya dahil bulag agad ang kanyang role. “Mahirap lalo na nung nasa forest kami. But it’s all worth it and thankful ako sa recognitions na natanggap ko from international festivals,” saad pa ni JD.

Eh sino mas pogi sa kanila ng amang si Isko Moreno? “Mas pogi ako! Ha! Ha! Ha!,” bulalas ni Joaquin na bigatin ang support sa unang movie gaya nina Lotlot de Leon, Glydel Mercado at iba pa.

Dingdong at Marian, nalampasan ang seven year itch

Eight wedding anniversary nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nitong December.

Dalawang anak ang biyaya ng kanilang pagmamahalan.

Isa kami sa saksi sa kasal nina Dong at Yan at hanggang ngayon eh hindi pa rin nawawala ang pagmamahalan nila.

Eh kahit may lumabas na tsismis na inugnay si Dong sa ibang babae, deadma lang si Yan. After all, nalampasan na nila ang tinatawag na seven year itch ng isang relasyon!

Happy, happy 8th wedding anniversary, Dong and Marian!

vuukle comment

JOAQUIN DOMAGOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with