^

Pang Movies

Angel Guardian, champion sa Running Man PH!   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Angel Guardian, champion sa Running Man PH!              

Congratulations to Angel Guardian, the Season 1 Ultimate Runner ng reality show na Runner Man Philippines. Si Angel ang nanalo laban kina Mikael Daez, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, Kokoy de Santos, Lexi Gonzales, at Buboy Aguilar.

Hindi napigilan ng pitong contestants maging emosyonal nang matapos na nila ang taping ng reality show dahil naging close sila sa isa’t isa sa loob ng more than one month taping nila sa South Korea.  Sama-sama nilang pinagtagumpayan ang bawat tests na ibinigay sa kanila, walang awayan, lahat nagtutulungan kahit magkakalaban sila sa isa’t isa.  Puring-puri at thankful din sila sa pagiging cooperative nila sa bawat test at pinasalamatan din nila si Buboy na naging taga-alis nila ng pagod at nagagawa pang magpatawa para maaliw sila. 

Magkakaroon ng season 2 ang Running Man Philippines.

Marian at dingdong, may pa-garage sale!

Parehong nag-post sa kani-kanilang Instagram ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na mayroon silang DongYan’s Garage Sale, ngayong Tuesday, December 20, 2022, from 10AM – 8PM at The Concept Space Manila sa 2F Greystone Building, Congressioanl Avenue Extension, Quezon City.

 “Bring home an item straight from our personal collections and memorabilia! Chose from our pre-loved items – mula sa aming fashion selections, toys, home items and even personal keepsakes.  A pre-loved sale just in time for Christmas!

“Head out to the one-day-only sale today, December 20, 2022.  Sale starts 10am until 8pm.”

Nanghinayang naman ang fans nila na taga-malayong lugar, na sana nga raw ay makabili man lamang sila kahit isang item mula sa mga Dantes, kung malapit lamang sila.

Meanwhile, sunud-sunod din ang pagtanggap ng mga Dantes ng mga guest sa kanilang bagong dream home, at may coverage ang GMA Network shows sa kanilang bagong tahanan.

KC, nag-crave sa oras sa pamilya

Kung naging masaya si Megastar Sharon Cuneta na nakasama muli nila ang panganay niyang si KC Concepcion sa birthday celebration ng panganay nila ni former Senator Kiko Pangilinan na si Kakie, inihayag din naman ni KC na nasabik din siyang makasama ang family niya: “When I’m not craving to travel and discover amazing new places, I crave time with family. Currently celebrating my sis’s birthday with Mom @reallysharoncuneta and the family tonight… love will always find a way.  Happy 22nd to you Kakie @frankiepangilinan.”

Meanwhile, may post din si KC na: “Hiii loves! How I began the last month of the year: pursued a little something that’s been in my bucket list! Share pa ako ng more shimmy about this trip soon.”

vuukle comment

MIKAEL DAEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with