^

Pang Movies

The clash contestant Anthony Rosaldo, malungkot ang magiging Pasko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
The clash contestant Anthony Rosaldo, malungkot ang magiging Pasko
Anthony Rosaldo

Malungkot ang magiging Pasko ni The Clash Season 1 contes­tant Anthony Rosaldo dahil sa pagpanaw ng kanyang nakakatandang kapatid na si Andre dahil sa lung cancer.
Ilang buwan daw dumaan sa hirap ng kanyang sakit ang kapatid ni Anthony na nasa stage 4 na ang lung cancer.
“It’s hard po. Noong mga nagdaan pong months, talagang I worked hard po para makapag-provide po sa kapatid ko na may cancer, and gusto ko po talagang humaba ‘yung buhay niya at talagang lumaban po siya. Pero ‘yun nga po, hindi na po kinaya ng health niya dahil stage 4 na po,” emosyonal na pahayag ng Kapuso singer.
Dalawang miyembro na raw ng kanilang pamilya ang hindi nila makakapiling sa Noche Buena. Una ay ang kanyang namayapang ama at pangalawa ay ang kanyang Kuya Andre.
Sey ni Anthony: “Magiging malungkot po ‘yung Pasko kasi first time pong wala si Kuya pero I’ll do my best po na pasayahin pa rin sila kasi being the breadwinner of the family and the rock of the family, talagang I want to make sure na happy sila, at ‘yun naman ‘yung gusto ng kuya ko, na maging happy kami together. Kahit wala po siya, we will still celebrate as if nandyan po siya.”

Man of Steel actor Henry Cavill, ‘di na babalik bilang Superman

Pagkatapos i-announce ang pagbalik niya bilang si Superman, muling naglabas ng official statement si Henry Cavill na hindi na siya talaga babalik bilang si Superman sa DC Extended Universe.
Sa kanyang Instagram, sinabi ni Henry na ito ang napagdesisyunan matapos ang meeting niya sa filmmaker na si James Gunn at film producer na si Peter Safran na nag-assume ng kanyang position sa Warner Bros.
“I will, after all, not be returning as Superman. After being told by the studio to announce my return back in October, prior to their hire, this news isn’t the easiest, but that’s life. The changing of the guard is something that happens. I respect that. James and Peter have a universe to build. I wish them and all involved with the new universe the best of luck, and the happiest of fortunes,” caption ng aktor.

Nirerespeto ni Cavill ang desisyon ng studio na nagkaroon ng mga pagbabago sa future projects ng DC Cinematic Universe. Sa gagawin na bagong Superman film ni Gunn, mas batang aktor daw ang kailangan nila to play the Man of Steel dahil iikot daw ang kuwento kay Clark Kent.

Tanggap na raw ni Cavill ang nangyari at kailangan na mag-move on ang lahat, lalo na ang fans na hinihintay ang pagganap niya ulit bilang Superman.

Unang gumanap si Henry bilang si Superman sa Man of Steel noong 2013. Siya rin si Superman sa Batman v Superman: Dawn of Justice (2016) at Justice League (2017). Nagkaroon siya ng cameo as Superman sa pelikulang Black Adam ni Dwayne “The Rock” Johnson.

ANTHONY ROSALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with