^

Pang Movies

Yam, suwerte sa buhay may asawa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Yam, suwerte sa buhay may asawa

Parang kung may isang masaya ang buhay ngayon, iyon ay si Yam Concepcion.

Happy wife siya sa mister na si Miguel CuUnjieng na anak ng isang bilyonaryo at business executive sa New York.

Kaya naman pa-chill-chill na lang si Yam, pa-travel-travel at gym-gym sa New York.

Ngayon ay kasalukuyan silang nasa Todos Santos in Mexico.

Mahilig sa fishing ang mister ni Yam at ang kanilang cute doggie ang tinuturing muna nilang baby.

Bago nag-asawa ay maraming ginampanang sexy role si Yam.

Toni, magiging regular kaya ulit sa EB?!

May chance kayang maging regular ulit si Toni Gonzaga sa Eat Bulaga?

Nakaapak na nga ulit si Toni sa EB para sa promo ng pelikula nilang My Teacher ni Joey de Leon.

Inamin ni Joey na nagalit siya noon kay Toni nang layasan nito ng kanilang programa para lumipat sa ABS-CBN.

“Galit ako nung araw sa kanya noong nilayasan n’ya kami. Nagtampo ako talaga. Pero nung nalaman ko na napangasawa niya si Paul (Soriano), okay na,” pag-amin ni tito Joey dahil baby daw talaga nila noon si Toni.

Naalala pa nitong tangay-tangay nila si Toni sa Thailand. “Bata pa ito eh. Sinama namin sa Patpong. I-research n’yo na lang yung Patpong,” aniya na ang tinutukoy na Patpong ay sang entertainment area para sa mga may edad na, parang red light district ito ng Bangkok.

Pero ngayon daw ay natutuwa na ang iconic comedian dahil maayos ang buhay nito sa piling ng asawang si Direk Paul na siyang nagdirek nitong MMFF entry nilang My Teacher.

Gary V., nawalan ng boses!

Sumagot si Ms. Angeli Pangilinan sa viber message ko kung anong nangyari kay Mr. Pure Energy Gary Valenciano matapos itong mag-tweet na kailangan niya ng miraculous touch. “He is ok naman !!! He was just overworked and lost his voice,” reply ni Ms. Angeli.

Maraming nag-worry kasi kaya kahit si Gary ay nag-tweet ulit at sinabing “Hi everyone. Looks like my last tweet caused many to panic????My apologies?????Thanks for your genuine concern????????I’m on my way to getting much better friends????????We all hit moments when our bodies just need to rest and i know that’s what I need. I love you all. Thanks again. I’m OK??????.”

Feel better soonest Mr. Pure Energy.

John Prats, direktor ng two-part special sa ikatlong pagkakataon

 Dalawang gabi na puno ng musika, pag-ibig, at ligaya ang naghihintay sa bawat pamilyang Pilipino dahil ipapalabas na ang Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa: The ABS-CBN Christmas Special 2022 ngayong Disyembre 17 at 18 ng 8:30 pm.

Mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, at TV5 (Dec 17, 11 pm, Dec 18, 10:30 pm) ang 2022 ABS-CBN Christmas Special na may temang pasasalamat sa gitna ng mga pagsubok ngayong taon at pagbibigay-pugay sa Panginoon, pamilya, kaibigan, at sa komunidad na pinagkukunan natin ng ligaya at pag-asa. 

Sa ikatlong pagkakataon, magsisilbing direktor ang Kapamilya star na si John Prats ng Christmas Special, kung saan tampok ang higit sa 100 bituin mula sa iba’t ibang programa ng ABS-CBN.

Tulad ng taunang ABS-CBN Christmas ID, bahagi na rin ng Pasko ng pamilyang Pilipino ang makabuluhang Christmas Special ng ABS-CBN.

Bukod sa mga pasabog na performance, inaabangan din ang mga nakaaantig na kwento at napapanahong mensaheng nakapaloob dito.

vuukle comment

YAM CONCEPCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with