^

Pang Movies

Kokoy at Angel, may ligawan na  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kokoy at Angel, may ligawan na             
Kokoy at Angel

Nagpakilig ng kanilang mga tagahanga ang Running Man Philippines stars na sina Kokoy De Santos at Angel Guardian.
May usap-usap na nagpaparamdam na ng kanyang balak na ligawan ni Kokoy si Angel dahil naging very close sila noong mag-shoot sila ng Running Man sa South Korea.
Tinanong si Angel kung may pag-asa raw ba si Kokoy kung sakaling pormal na siyang ligawan nito? Ang sagot niya ay: “Oo naman. Tingnan natin. Syempre depende ‘yan kung gaano ba kagaling manligaw ‘di ba? Siyempre kailangan maramdaman mo na gusto ka talaga.”
Comment naman ni Kokoy na consistent siya sa lahat ng kanyang ginagawa. Na kung magsisimula siyang manligaw, tuluy-tuloy lang daw iyon hanggang sa makakuha siya ng sagot.
Ang hanap daw ni Angel sa isang manliligaw ay yung maalaga, gentleman, at mayroong mahabang pasensya. Biro ni Kokoy na check daw lahat iyon sa kanya.
First impression ni Angel kay Kokoy ay babaero. Pero mukha naman daw romantic, sweet, at caring ito.

Si Kokoy naman daw ay mataray ang first impression kay Angel: “May pagkamataray ‘pag tumingin. Pero kapag siyempre kapag nagsalita na doon mo lang mare-realize na mabait pala.”
Dahil sa nakakakilig na tandem nila sa Running Man PH ay nabuo ang loveteam na GeKoy.

Mag-asawang lovely at Benj mas tutok sa kanilang live selling

Tuluy-tuloy lang ang paglago ng negosyo ng Bubble Gang comedian na si Lovely Abella at ng kanyang mister na si Benj Manalo.
Kelan lang ay ang mag-asawa ang nasa ribbobn-cutting ceremony para sa opening ng kauna-unahang live-selling mall sa Pilipinas na BenLy’s Live Studio.

Noong November in-announce ni Benj ang tungkol sa BenLy’s Live Studio na makakatulong sa maraming kabuhayan at negosyo ng mga tao ngayon pagkatapos ng dalawang taong pandemya.
Sa pagla-live selling naging milyonaryo ang mag-asawang Lovely and Benj noong kasagsagan ng pandemya noong 2020 at 2021. Lumaki ang kanilang live selling business hanggang sa makapundar na sila ng sarili nilang bahay, sasakyan, at dagdag pa na kapital sa kanilang lumalagong negosyo.
Kaya naman parehong hindi masyadong tumatanggap ng projects sa TV ngayon ang mag-asawa dahil sa pagtututok sa kanilang successful business na sine-share nila sa maraming tao.

Taylor Swift, handa nang magdirek

Pagkatapos manalo ng tatlong People’s Choice Awards (Female Artist of 2022, Music video of 2022, Album of 2022), handa na si Taylor Swift na mag-direct ng kanyang unang pelikula sa ilalim ng Searchlight Pictures.
Ayon sa Searchlight presidents David Greenbaum and Matthew Greenfield: “Taylor is a once in a generation artist and storyteller. It is a genuine joy and privilege to collaborate with her as she embarks on this exciting and new creative journey.”
Unang pinakita ni Taylor ang kanyang writing and directing skills sa 14-minute short film with a special 35mm print na All Too Well na pinalabas sa 2022 Tribeca Film Festival and Toronto International Film Festival. Bida rito sina Dylan O’Brien and Sadie Sink.
Si Taylor din ang nagdirek ng music videos niya na The Man, Cardigan, at Willow. Ilan sa women directors na hinahangan ni Taylor ay sina Nora Ephron, Chloe Zhao, and Greta Gerwig.

vuukle comment

KOKOY DE SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with