^

Pang Movies

Gary V. ‘di makapaniwala pumanaw sa edad na 29... Jovit Baldivino, pinagluksa ng mga nakatrabaho!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Gary V. ‘di makapaniwala pumanaw sa edad na 29... Jovit Baldivino, pinagluksa ng mga nakatrabaho!
Jovit

Hindi pa rin makapaniwala si Gary Valenciano na pumanaw na ang Pilipinas Got Talent season 1 champion na si Jovit Baldivino kahapon ng madaling araw.

“Parang I still can’t believe this.

“I’ll never forget how I would always wait to hear his parts in ASAP. He always got to prove why he was Pilipinas Got Talent’s champion. I always always always would try to encourage him to keep shining. Sing for Jesus when you see Him Jovit,” ang buong tweet ni Gary V.

Apektadong-apektado rin si Angeline Quinto sa nangyari.

“PINOY CHAMPS.

“Paalam Jovs. Hinding hindi kita makakalimutan. Salamat sa pagkakaibigan at pagkakataon na makatrabaho kita. Pasayahin at kantahan mo sila dyan sa langit ah Jovs. @jovitbaldivino Mahal kita Jovit.”

Sa post ng former road manager ni Jovit na si Jerry Valdez Telan nakadetalye ang mga nangyari sa singer : “According to Jovit Baldivino’s parents Mr.Hilario “Larry” and Mrs. Cristeta Baldivino and fiancé Camille Ann Miguel (during our personal visit in the hospital on December 6, 2022) he was recuperating for a week with hypertension maintenance medicines. Then he was invited by a family friend from Batangas City. Doctor’s advice not to sing while recupera­ting. Knowing “Bundoy” (Jovit), he gave in to clamor of the crowd. He sang 3 signature songs including Journey’s Faithfully.

“He was gasping for breath on the 3rd song. After an hour while sitting, his face was deformed with flowing salivas. He was then rushed to the nearest ER at Jesus of Nazareth Hospital last December 3, 2022 around 10pm. CTscan showed a blood clot in the brain (sign of aneurysm). 100cc of blood was suctioned 2:00 AM of December 4, 2022. He was In comatose state for 5 days. Our dearest Jovit Baldivino joined our Creator 4:00 a.m. today December 9, 2022. He was 29,” ang buong post ni Jerry.

RIP, Jovit.

Nico Antonio, bongga ang role sa Korean Drama

Makikipagsabayan ang aktor na si Nico Antonio sa mga beteranong Korean actor sa kanyang pagganap sa upcoming Korean action series na Big Bet na mapapanood worldwide simula Dec. 21 sa streaming app na Disney+.

Makakasama ni Nico sina Choi Min Sik (Old Boy), Son Suk-ku (The Outlaws 2), Lee Dong-hwi (The Extreme Job), Heo Sung-tae (Squid Game) at Kim Joo-ryung (Squid Game) sa naturang Disney+ original series tungkol sa hari ng casino na si Cha Mu-Sik (Min Sik), na iikot ang mundo matapos masangkot sa isang murder case.

Ako dito si Mark Flores, isang CIDG operative na naatasang imbestigahan ang mga nangyayaring pagpatay sa Korean citizens dito sa Pilipinas,” sabi ni Nico.

January nitong taon nang mag-audition si Nico para sa Big Bet. Ang tanging alam niya lang noon ay nag-o-audition siya para sa isang Korean project.

Wala ako idea kung ano tong pinag-aauditionan ko until I had a callback and yun na, no other than director Kang Yoon-sung met with me and explained to me the role,” pagsariwa ni Nico. Doon ko na din narealize na importante pala ‘yung role na in-audition ko.”

Si Nico ang pinakaunang Pinoy actor na pinatawag at cinast ng director na si Yoon-sung.

I saw Nico’s natural acting. I have seen some of Nico’s acting footage and I believe he knows what good acting is about. He knows it,” sabi ni Yoon-sung.

Sa isang interview, binunyag ni Yoon-sung na ang kwento ng Big Bet ay inspired sa kakilala niyang Korean casino owner sa bansa. Matapos makilala ang mga tao sa paligid nito, naisipan niyang gumawa ng kwento at gawin itong isang drama series.

I always wanted to work on a drama series, featuring a long story. And I thought delivering Big Bet with two different parts was an appropriate choice for the viewers to enjoy the series,” sabi ni Yoon-sung.

Nang tanungin tungkol sa kanyang experience, inilarawan ito ni Nico bilang challenging yet fulfilling” lalo pa kung isa kang Pinoy actor na nakakatrabaho ang ilan sa pinaka professional na mga aktor at pinaka-experienced na production crew.

You have to be on your toes always. ‘Yung mga aktor na katrabaho ko lahat sila ready pagda­ting sa set.”

Samantala, pagdating naman sa pakikipag eksena kay Min Sik na isa sa tinitingalang aktor ni Nico, masasabi niya na magaan ito katrabaho. Dama mo din talaga na in character siya kaya dapat attentive ka rin sa character mo.”

Overall, proud si Nico hindi lang sa kanyang performance kung hindi sa lahat ng kapwa Pinoy actors nya na naging bahagi ng Big Bet.

Hindi naman tayo napahiya. Naitayo naman natin ang bandera ng Pilipinas,” sabi ni Nico.

Maging ang direktor na si Yoon-sung ay masaya sa naging performance ng mga Pinoy actor lalo na kay Nico. I’m very happy to work with Filipino actors and staff for three months. I couldn’t make this series without their dedication,” aniya. (Nico) definitely did well. I could imagine who Mark was when Nico first played his role in shooting. He is an amazing actor.”

Ang Big Bet ang pinakamalaking acting break to date ni Nico matapos ang kanyang 19 years sa showbiz. Nagsimula siya bilang talent sa Panday na pinagbibidahan ni Jericho Rosales, at patuloy gumanap sa iba’t ibang papel sa telebisyon at maging sa mainstream at independent cinemas. Isa sa pinakatumatak niyang roles ay ang karakter ni Tolayts sa top rating ABS-CBN serye na On the Wings of Love.

Lingid sa kaalaman ng marami na si Nico ay nag aral ng abogasya sa San Beda College at San Sebastian College at nakapagtapos ng AB European Studies sa Ateneo De Manila University.

 Abangan si Nico sa Big Bet ngayong Dec. 21 na sa Disney+.

GARY VALENCIANO

JOVIT BALDIVINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with