Bella Poarch, bet na bet si joshua bago nakipag-diborsyo sa asawa!
Kaya pala biglang nawala ang intriga kina Joshua Garcia at Fil-Am TikTok star na si Bella Poarch ay dahil may asawa at ang latest, divorced na ito.
Unang lumabas ang tungkol dito sa online tabloid na TMZ kung saan nag-file raw ito ng divorce.
At kahapon ay kinumpirma ito ng social media star sa kanyang Twitter account.
Aniya : Hi everyone,
“I’m sorry if everyone thinks I’ve been keeping a secret. I will address my divorce when I am ready to speak about it. In the meantime please respect mine and Tyler’s privacy.
My team will be taking over my socials and posting certain obligations that need to be fulfilled. I will be taking a break from social media.
Thank you
– Bella”
Parang ang daming kumbaga ay skeleton in the closet nitong si Bella na ang pangalan sa totoong buhay ay Denarie Bautista Taylor.
Matagal niyang nailihim sa kanyang milyun-milyong followers na meron siyang asawa.
Kamakailan ay naging kontrobersyal din ang isa pang social media star, si Zeinab Harake.
Masasabi talagang iba pa rin ang mga totoong artista at sumikat sa telebisyon at pelikula at hindi sa social media.
Alice, may wish sa haters!
Wish ni Alice Dixson na tulad niya ay mag-meditate rin ang mga hater para mabasan ang grabeng kanegahan sa social media.
Aniya sa isang post sa kanyang cartoonized photo habang may hawak na starfish : “1st star I see tonight…wish I may, wish I might, have the wish I wish tonight
“My wish is mag meditate ang mga haters para mabawasan ang mega negativity sa www?”
Pero may disclaimer siya sa nasabing starfish. Hindi raw ‘yun real : “The starfish is not real. It’s made out of plaster. But yes if you find a live one - pls throw back in the ocean as they will die if they stay out for long. Thank you!,” sabi ng actress na ang obserbasyon ng kanyang followers ay naging mas hot ngayong 50 something old na siya.
- Latest