Andrew, ipapakita ang wagas na pagmamahal sa asawang nakaratay sa hospital
Magpapaiyak ang episode ng #Magpakailanman this Saturday na pinamagatang Every Breath You Take na love story ng aktor na si Andrew Schimmer at Jho Rovero. Ipapakita ang wagas na pagmamahal ni Andrew sa kanyang asawang nasa ICU ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City dahil sa matinding asthma attack na nagresulta sa cardiac arrest at brain hypoxia.
Sa isang interview ay binalikan ni Andrew nang dalhin niya sa ospital ang asawa noong Nov. 1, 2021 at hanggang ngayon, nasa hospital pa rin. Malaki na ang hospital bills nina Andrew at nagpapasalamat ito sa mga taong nagpapaabot ng tulong sa kanila. Noong July, abot na sa P3M ang medical bills ng wife ni Andrew, August na ngayon at siguradong nadagdagan ang babayaran nila sa hospital.
Dalawa ang anak ng mag-asawa at sa Facebook ni Andrew, may photos at video siyang pinost habang nasa tabi ng kanilang ina ang mga anak at may larawan pang natutulog ang mga anak sa tabi ng bed ng asawa. May video pang sinusuklayan ng anak na lalake ang mom niya na nakadilat naman at intubated. Mapapanood din sa video nang yakapin ng anak na lalake ang mom niya sabay sabing “I love you Mommy.”
May post din si Andrew habang kinakausap ang nakadilat na asawa at sabi, “I love you... I want you to know that it is your face that I see when I am missing home, my love. Consider a sky without the moon and the stars, this is how I feel when you’re not by my side. So please let me take care of you forever... and I promise, I will never stop, until my last ounce of strength drops. Kapit ka lang po sakin ng mahigpit, hindi po kita bibitawan, I will protect your heart my love. Chure na chure love you to the moon and back.”
Ginagampanan nina Mark Herras at Arra San Agustin ang karakter nina Andrew at Jho sa direction ni Mark dela Cruz.
Maja, ayaw maging reyna ng TV5
Nakakatuwa at nakakatawa ang mga karakter sa comedy show ng TV5 na Oh My Korona na mapapanood na simula bukas, Aug. 6, 7:30 p.m., dahil pang-showbiz. May artistang ayaw tanggapin na laos na siya (Kakai Bautista), may former childstar na rapper na (Thou Reyes), may stuntman (Pooh), may sexy star (Christine Samson), may gustong maging K-pop idol (Guel Espina).
Tapos ang karakter ni Maja Salvador na si Lavinia o Lablab na maganda at may talent sa pag-arte, ayaw namang mag-artista.
Regalo raw ito nina Maja at RK Bagatsing sa supporters nila mula pa nang magsama sila sa Wildflower ng ABS-CBN.
Second project na ito ni Maja sa TV5 dahil nagbida rin siya sa Niña Niño, kaya natanong siya sa isyung siya na raw ang reyna ng TV5?
“For me, ayoko ng mga title na ‘yan, pero nirerespeto ko ang nagbibigay ng title. Thank you kung ‘yun ang tingin n’yo sa akin, ako naman, kahit saan ako ilagay, 100 percent lagi ang ibinibigay ko. Importante, gawing mabuti ang trabaho,” sagot ni Maja.
Ang fiance ni Maja na si Rambo Nuñez ang producer ng comedy show at line producer ang Crown Artist Management nila ni Maja.
Dennis, inggit kay Cesar
May nakisimpatiya, may naawa, at meron ding nagalit sa caption ni Dennis Padilla sa post niya ng litrato ni Cesar Montano kasama ang mga anak sa nakaraang birthday ni Cesar.
Sabi kasi ni Dennis, “Happiii bday pareng buboy!! Congrats!! Praying na sana sa bday ko...” Hindi itinuloy ni Dennis ang sasabihin, pero malinaw na gusto niyang sa birthday niya ay sama-sama rin ang kanyang mga anak na babati sa kanya.
May nag-comment na para hindi siya masaktan, ‘wag na lang siyang umasa dahil imposible ang gusto niyang mangyari. May nag-suggest naman kay Dennis na kausapin si Marjorie Barretto at tapusin na kung anumang isyu meron sila. Hindi raw kakampi sa kanya ang mga anak hangga’t hindi sila okay ni Marjorie.
Sa Feb. 9, pa naman ang 61st birthday ni Dennis, malay natin at sorpresahin siya ng mga anak at dumating nga sa birthday niya. Kaya lang, paano malalaman ng mga anak ni Dennis ang kanyang wish kundi naman niya na-tag? Ang tinag ay sina Andrew E., Janno Gibbs, Randy Santiago, Gene Padilla at Cesar.
- Latest