^

Pang Movies

Mga Kapuso laging nakakaalala!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga Kapuso laging nakakaalala!

Natawa ako kay Ms. Annette Gozon Valdez ng GMA 7.

Talagang para akong bata na tinanong niya kung ano makakapagpa-happy para gumaling.

Feeling ko talaga mahal ako ng GMA7 kasi ang ganda din ng flowers na padala ni Lilybeth Rasonable. At talagang lagi silang nagche-check sa kalagayan ko.

So much love kaya naman sure ako na gagaling ako at babalik sa normal.

Dahil hayan ang dami kong prayer warriors na humihingi ng awa sa langit para gumaling ako. Talagang feel na feel ko ang love.

Salamat sa inyong lahat.

Pero feeling ko talaga, hindi dapat ganito sitwasyon ko.

Kasi nga nakalabas na ako ng hospital at parang dapat hindi iyon feeling sick at getting sick ang feeling.

Dapat maisip ko, well and good na ako, para maging ganun din ang sitwasyon ko. Kaya parang ayoko na meron pa akong sked na dapat gawin sa hospital.

Kasi nga dapat mahusay ang doktor mo na pinalabas ka na ng hospital kasi ok ka na. So bakit kailangan meron pa rin akong ginagawa weekly sa hospital, di ba dapat wala na.

Kasi nga habang nagpupunta ako feeling maysakit ako. I hate that feeling. I trust my doctors, I know they treat me well and want me in good condition.

Kaya dapat hindi na ako bumabalik-balik.

Hay sana nga maging maayos na ang pakiramdam ko dahil ayoko na talagang bumalik sa hospital noh.

vuukle comment

ANNETTE GOZON VALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with