^

Pang Movies

Anthony Taberna, sinagot ang isyung tumatanggap ng pera kay PBBM

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Anthony Taberna, sinagot ang isyung tumatanggap ng pera kay PBBM

Dumagsa ang tulong-pinasiyal sa mag-asawang Anthony at Rossel Taberna nang ipagamot sa Singapore ang anak nilang si Zoey na acute leukemia ang cancer.

Pati mga taong dating natulungan ni Ka Tunying, kusang–loob na nagpaabot ng pera. ’Yung isa kong natulungan, nagbigay ng P500K bilang tulong,” saad ni Anthony sa inimbitahang press sa kanilang Press Play event noong Linggo ng gabi.

Cancer-free na ngayon si Zoey na dumalo sa birthday ng ina sa Centris Elements last Sunday, pasasalamat sa paggaling, pati na launching ng ibang negosyo nila.

Sa kuwento nina Ka Tunying at Rossel, anim na buwan silang nanatili sa Singapore para samahan ang anak sa pagpapagamot.

Malaking tulong kay Ka Tunying ang pagsabak niya sa Facebook Live at You Tube.

Pati si First Lady Liza Marcos, nag-alay ng tulong pero siya na rin ang tumanggi.“Kaya raw ako nag-BBM dahil kapit sa patalim ako. Ako na ang magsasabi sa inyo na as early as February, nung nasa Singapore na kami, totoo po na tinawagan ako  ni First Lady Liza Marcos. Napakabait ng taong ‘yon.

“Sabi nila, gusto nilang tumulong financially. Tapos yung tao niya, maya’t maya tinatawagan ako. Hindi ko sinasagot. Hanggang sa oras na ito, July 31, ni isang kusing, wala po akong tinaggap na tulong mula kay President Ferdinand Eomualdez Marcos, Jr. pati sa asawa niya, just to set the records straight!

“Gusto kong pasalamatan ang gesture nila na nag-alok po ng tulong para sa akin. Ang sarap sa pakiramdam nu’n,” paglilinaw ni Ka Tunying.

Present si Zoey sa thanksgiving at birthday ng ina at paglulunsad ng Press Play.

Magiging bahagi ng Taberna Group of Companies ang premier events at multimedia company na OutBox Media, Tune In To Ka Tunying You Tube channel at kasabay nito ang launcing ng Catering by KT na inihanda sa gabing ‘yon.

Bukod sa mga tumulong, nagpasalamat din si Ka Tunying sa pamunuan ng DZRH na pinayagan siyang mag-zoom kahit nasa Singapore nang may bayad! Ang show pala nila sa radio ay tuwing 6AM- 8AM na.

At ang restaurant nilang ka Tunying? “ Nakabalik na pong lahat at tinatangkilik muli ng mga tao!” sagot ni Ka Tunying.

Congratulations, Anthony at Rossel Taberna!

ANTHONY TABERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with