^

Pang Movies

Komedyanteng si Phillip Lazaro, namatay sa edad na 52

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Komedyanteng si Phillip Lazaro, namatay sa edad na 52
Phillip

HEART attack ang sinabing dahilan nang biglang pagpanaw ng writer-actor-director na si Phillip Lazaro kahapon, July 11, sa edad na 52, ayon sa malalapit sa kanya.

Sa comedy bar na The Library namin nakilala si Phi (tawag sa kanya) at naging director din ng comedy shows hanggang sa lumawak ang sakop ng kanyang career.

Si John Sweet Lapus ang masasabing kaibigan na kaibigan niya. Malapit din siya sa hair stylist na si Celeste Tuviera at sa Tuviera fam.

Madalas siyang lumabas sa GMA shows at nagdidirek ng din TV show sa Kapuso network at APT Entertainment.

Nakikiramay kami sa mga naulila ni direk Phillip and may he rest in peace…

Barbie inaming naging ex si Kiko Estrada

REBELASYON ang mga pahayag ng Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza sa lie detector challenge sa kanya ni Bea Alonzo na inilabas niya sa kanyang vlog.

Isa rito ang pagkakaroon ni Barbie ng relasyon sa co-star niya sa That’s My Amboy na si Kiko Estrada.

Sabi pa niya, hindi na sila friends ni Kiko kaya hindi nagkikibuan.

Eh nang tanungin si Barbie sa co-star niya sa nasabing show na si Andre Paras kung nagkaroon siya ng crush dito, atubuli nung una sa pagsagot ng aktres.

Pero kalaunan ay inamin niyang nagkaroon siya ng crush kay Andre, huh!

Pagdating naman sa boyfie ni Barbie na si Jak Roberto, feeling niya, magiging reyna siya sa ipinatatayong bahay ng boyfriend.

“Kasi tinatanong niya ako kung ano ang gusto ko habang dini-design ito!” saad ni Barbie!

Sweet naman nina Jak at Barbie, huh!

vuukle comment

PHILLIP LAZARO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with