Lotlot, inisnab ang award ng nanay
Bakit kaya wala si Lotlot de Leon sa mga anak ni Nora Aunor na tumanggap ng award na bigay kay Guy ng Presidente (Duterte), the Order of National Artists, and seven others.
As reported, may sakit si Guy at ‘di pinayagan ng kanyang doktor na dumalo sa presentation.
Well, ang tumanggap ng award in behalf of Guy ay sina Ian, Matet, Kenneth at Kiko.
Tanging si Ian sa apat ang tunay na anak ni Guy.
Father niya si Christopher de Leon, first husband ni Guy.
Darna, kinasabikan
Ang ganda ng feedback sa trailer/teaser ng Darna: The TV Series, starring we all know Jane de Leon, Joshua Garcia at Janella Salvador.
Tuloy na nga kaya ang showing nito anytime soon?
No doubt, pinakahihintay ang showing nito na tanging, of course, sa ABS-CBN lang mapapanood.
True bang ito ang ipapalit sa equally acclaimed series, action, ha, FPJ’s Ang Probinsyano?
No wonder, this early, grinning from ear-to-ear na si Chito Roño, na medyo natagalan nang huling gumawa ng series.
Bea at Dominic, may big reveal
Bagay na mag-lola sina Gina Alajar at Bea Alonzo, na siyang papel na kanilang ginagampanan sa Start-Up PH.
In real life, Bea is 34. Sixty two naman si Gina.
Isang popular Korean series itong Start-Up PH.
Na maraming Pilipino ang sumusubaybay.
By the way, may big reveal daw tayong maririnig mula kina Bea at boyfriend nitong si Dominic Roque?
May kinalaman kaya ito sa balak na nilang magpakasal?
Well, abangan natin.
Ate Vi, gustong makasama sa pelikula si Ate Guy
How nice naman of Star for all Seasons Vilma Santos-Recto na nagbibigay-pugay kay Nora Aunor sa honor na kanyang katatanggap, National Artist.
She would love raw to do a movie with Guy? And guess what?
Bilang best friends. Dalawang best movies na pinagsamahan daw nila: T-Bird at Ako, At Ikaw Ay Akin.
Like Guy, Ate Vi wants na ma-proclaim din bilang National Artist.
- Latest