^

Pang Movies

Gerald mabagsik ang appeal

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Gerald mabagsik ang appeal

Iba talaga ang appeal ni Gerard Anderson.

Doble premium sa kanya iyon alam ng tao na nagawa niyang iwanan ng dalawang beses si Bea Alonzo.

Iyon bang lagi sa isip mo, na hinahabol si Gerard Anderson  ng isang Bea Alonzo.

Na iniwan mo na, pero pumayag pa uli na magkaroon kayo ng relasyon, at iwan mo uli?

Para bang regalo ng Diyos sa kababaihan ang dating niya na hinahabol-habol ng magandang babae.

Kaya nga parang smokescreen lang lumalabas si Dominic Roque na tuwing makikita mo ang posting na sweet sa social media, para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerard na may ipinalit na ako, at dagdag pogi points na naman kay Gerard dahil kinukumpara lagi silang dalawa ni Dominic.

Mamamalagi iyon tanong na why, bakit iniiwan ni Gerard si Bea. Ano dahilan? Ano problema? At lagi na bawas ganda at ningning iyon para kay Bea.

And the winner, Julia Barretto siyempre.

Richard hinihintay na ulit sa bagong teleserye

Dahil nagdala ng food si Kaye Valenzuela na manager ni Angeline Quinto, natikman ko ang WangFu na ang isa pala sa mga may-ari ay si Richard Yap na alaga rin ni Kate.

Isang Chinese resto ang WangFu at masasabi ko na masarap pala mga food nila. Natikman ko iyon shrimps at fried rice, at pasado siya sa taste ko.

Ang galing naman ni Richard na habang nasa showbiz siya nagawa niyang makasali sa resto business.

Kasi nga ay may Chinese blood may mata talaga sa business tulad ni Richard na isang Kapuso actor din.

Dapat magkaroon uli ng isang serye si Richard sa GMA 7 para mapanood siya uli ng fans niya.

 Huli siyang napanood sa teleserye nila nina Heart Evangelista at ng alaga kong si Paolo Contis na I Left My Heart in Sorsogon.

vuukle comment

GERARD ANDERSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with