^

Pang Movies

Kit, laglag na sa Flower of Evil?!

Gorgy Rula - Pang-masa
Kit, laglag na sa Flower of Evil?!

MANILA, Philippines — Obviously, kahit paano ay nakatulong kay Ana Jalandoni ang isyung kinasangkutang gulo nila ni Kit Thompson dahil may mga nagdatingang project sa kanya.

Kamakalawa lang ay kasama ni Ana ang abogado niyang si Atty. Faye Singson na nakipag-meeting sa isang producer na balak siyang i-produce ng pelikula.

Pero maingat lang daw sila sa pagtanggap ng projects dahil mas mabuting mag-focus daw muna sa kasong isinampa laban kay Kit.

Ang payo raw ni Atty. Singson ay hintayin muna ang preliminary hearing bago siya magbalik-trabaho.

Tila handa naman daw ang aktres na bumalik sa trabaho, pero hindi naman daw agad-agad. “Napag-usapan po namin is for her to take time this coming Holy Week for introspection and to soul-search,” text ni Atty. Singson sa amin.

So far, sa Instagram na lang muna nag-a-update si Ana, pero hindi na muna siya nagpapaunlak ng interview.

Si Kit naman ay dineactivate na niya ang kanyang Instagram account, at na-hold na ang iba niyang projects.

Totoo bang tatanggalin na raw siya sa Flower of Evil?

Andrea at Ricci, trending ang sagutan

Nag-trending sa Twitter ang panliligaw ni Ricci Rivero kay Andrea Brillantes sa nakaraang laro ng UP laban sa FEU sa UAAP nung nakaraang Sabado.

Ang daming natuwa, pero may mga ‘di nagustuhan dahil may ka-loveteam naman kasi si Andrea.

Pinangangalagaan ng Kapamilya network ang loveteam nila ni Seth Fedelin, tapos biglang pumasok naman si Ricci na sa publiko in-announce kung maari niyang ma­ging girlfriend si Andrea.

Tumaas ang kilay ng ilan sa ginawang iyon ni Ricci na napaka-showbiz daw ang pag-propose kay Andrea na umoo naman.

Kahapon nga ay kumalat uli ang vlog na tinatanong si Andrea ng sister niya kung totropahin o jojowain si Ricci Rivero.

Sabi ni Andrea: “Hindi ko po kasi siya nakilala personally. Pero ‘di ba kapag basketball player, manloloko daw? Totropahin!”

Ayun! Naging dyowa na niya! 

vuukle comment

KIT THOMPSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with