^

Pang Movies

Dating magkakalaban sa noontime show, nagsama-sama sa buko!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Sanib-puwersa sina Wally Bayola, writer-director na si Alex Calleja at writer-host na si KaladKaren na peg ang news anchor na si Karen Davila sa bagong gag-satire show ng APT Entertainment na BalitaOneNan.

Isa ang show na bagong proyekto ng APT Entertainment na mapapanood sa March 21 sa BuKo Channel, ang 24 hour Philippine comedy channel sa Cignal TV at mapapanood sa SatLife channel.

Sa anunsyo ni Mike Tuviera na CEO at President ng APT Entertainment, may season 2 rin ang #Maine Goals ni Maine Mendoza kasama sina Chi Chirita at Chamyto Aguedo habang sa March 12 ang bagong episodes ng Kusina ni Mamang ni Pokwang kasama si DJ Jhaiho.

Wish ni Meng sa bagong season ng #Maine Goals ay makapaglibot din sila sa Visayas at Mindanao. Ang makapag-shoot abroad ang ultimate goals nila.

Excited sa Balita One Nan ang director na si John Sweet Lapus dahil si Wally ay isa sa host ng Eat Bulaga, at dating writer din ng show si Karen habang si Alex ay dating writer ng It’s Showtime “Naku, mas dadamihan ko ang pasabog sa show lalo na’t kapit-bisig ang magkalaban sa noontime shows! Masaya ‘to!” saad ni direk Sweet.

Take It! Take It! Me Ganon?!

Humiwalay nang talaga si Cristy Fermin sa trio nila nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu na Take It… Per Minute Me Ganun base sa kanilang episode kahapon..

Sa artcard na pinost sa social media kahapon at maging ni Manay Lolit, Take It! Take It! ‘MeGanon?! na ang title ng online show at sila ni Mr. Fu ang aaliw sa viewers tuwing Martes, 12nn to 1 p.m sa digital platforms ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Sa naglabasang din post sa social media, may sarili nang channel sa YouTube si Cristy na ang title ay Showbiz Ganap Now Na! Kasama niya rito sina ang radio host na si Morly Alinio at stand-up comedian/singer na si Rommel Chika.

Basta tuloy pa rin ang online show ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa minus Cristy Fermin!

vuukle comment

WALLY BAYOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with