^

Pang Movies

Ice magpapa-breast removal Jake, sinaluduhan ni Chair Liza sa katapangan   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ice magpapa-breast removal Jake, sinaluduhan ni Chair Liza sa katapangan            

Kung marami ang nang-bash kay Jake Zyrus sa pagpo-post niya ng topless, marami rin namang sumaludo at sumuporta sa katapangan niya. Isa na nga sa masaya para sa kanya ay ang asawa ni Ice Seguerra na si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño.

“I admire him and I laud him for celebrating his identity,” ani Liza nang makapanayam namin kahapon sa mediacon for the upcoming 6th Film Ambassador’s Night.

Personally ay nakaka-relate si Liza dahil nakita rin niya ang struggle ng mister niyang si Ice at alam niyang hindi ganu’n kadali.

“Personal kong na-experience sa asawa ko ‘yung ano niya, ‘yung struggle pa rin niya to come to terms with who he is. Kasi, kahit ngayon, tanggap nating lahat na transman si Ice, ang tawag natin sa kanya ay Ice, nirerespeto na natin ‘yung pronoun niya, pero siya, ‘yung ‘pag gumising siya sa umaga, ‘yung physicality niya pa rin as a man, hindi pa rin niya nakikita.

“So, nakikita ko ‘yung struggle na ‘yun kay Ice.

“So, for Jake to achieve that and be comfortable and happy, kung ‘yun ang magpapasaya sa kanya, dapat suportahan natin siya, especially, nandito tayo sa industry na sa bansa natin, hindi pa rin ganu’n kaluwag at ka-open ang pagtingin sa mga transmen,” pahayag ni Liza.

Natanong namin si Chair kung nasaan na bang stage ng transition si Ice, inamin naman niya na may plano rin ang mister na na magpa-breast removal surgery.

“’Yung usapang magte-testosterone (masculinizing hormone theraphy) ba siya para sa transition, it’s being discussed pero wala pa kami talaga do’n. Pero ‘yung gusto niya ring magpa-surgery (breast removal), okay na kami do’n. Pine-prepare na lang namin ang tamang budget para magawa namin,” ani Chair Liza.

“We’re just looking for the right doctor para gawin ‘yun. Malay mo, this year. Baka ma-inspire siya kay Jake. And I know that he’s very, very happy for Jake,” dagdag pa niya.

Samantala, paalis na lang si Chair Liza bilang FDCP head ay talaga namang sobrang sipag pa rin niya. Sa loob ng limang taon ay hindi talaga matatawaran ang mga nagawa niya sa movie industry.

Ngayon ay busy naman siya sa 6th Film Ambassadors’ Night na gaganapin sa Feb. 27, 2022 sa Metropolitan Theater.

Sa nasabing mediacon ay inanunsyo ng FDCP ang mga pangalan ng mga tatanggap ng mga espesyal na parangal – ang Camera Obscura Artistic Excellence Award at Gabay ng Industriya Award.

vuukle comment

JAKE ZYRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with