^

Pang Movies

Management team nila Bambbi, noon pa plinano!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Management team nila Bambbi, noon pa plinano!

Ang sarap talaga ng mga bread ng Bait Lehem Bakery.

Partners ang may-ari ng Bait Lehem na si Mommy Cristine Areola at si Bambbi Fuentes sa kanilang itinatag na Dragon Artists Management na nag-aalaga ng mga newcomer sa showbiz.

Ang galing ng combination dahil make up at beauty expert si Bambbi, si Mommy Tin naman motherly figure na kailangan ng mga newcomer para magkaroon sila ng confidence.

At talagang alaga nilang padalhan ng iba’t ibang klase ng artisan bread ang mga taong tumutulong sa mga talent ng Dragon...

Isang bagay na ma-appreciate mo dahil alam mo na iyon effort mo, napapansin nila. Sana nga magtagumpay lahat ng talents nila.

Nun pa pangarap nila Bambbi at Mommy Tin ang maging successful sa showbiz, kaya sana nga sa pamamagitan ng Dragon... makilala mga talents nila.

Goodluck at more works sa mga talent n’yo, Bambbi and Mommy Tin.

Excited sa resulta ng election...

Excited ako sa resulta ng election sa Ormoc. Kasi nga pareho natin friends sila Lucy Torres at Marivic Larrazabal. Eh nagkataon ang magkalaban sa puwesto ang mga mahal nilang sila Richard Gomez at Goyo Larrazabal. Ito iyon labanan na kahit sino manalo winner ang Ormoc dahil parehong mahal nila Richard at Goyo ang probinsiya. Saka kahit sino manalo ang bait at ganda ng kanilang mga misis na sila Lucy at Marivic, na parehong matulungin at madaling lapitan kung meron problema.

vuukle comment

BAMBBI FUENTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with