^

Pang Movies

Wendell, inayudahan ng kabuhayan showcase si Lolo Narding   

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Wendell, inayudahan ng kabuhayan showcase si Lolo Narding              

Libre na si Kapuso actor Wendell Ramos dahil tapos na tapos na at napapanood na ang GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas Book 2, Mondays to Saturdays, after Eat Bulaga, kaya naharap na niya ang mga business niya at pagtulong sa mga nangangailangan.

Isa nga si Wendell sa mga nagbigay ng tulong kay Lolo Narding, 83, ng Asingan, Pangasinan na umano’y nanguha ng mangga ng kapitbahay kaya  ipinakulong, pero naging national issue ito kaya maraming tumulong at nakalabas din siya matapos magpiyansa ng P6,000. Personal na dinala ni Wendell ang kabuhayan showcase na ipinost niya sa Instagram para kay Lolo Narding, mga manggang hinog para ibenta, food cart na may pangalan pa ng matanda at mga kahun-kahong paninda, para may pagkunan siya ng pang-araw-araw niyang gastusin at pangangailangan, para rin sa pamilyang kasama niya.  Caption pa ni Wendell: “Mission accomplished! Lolo Nardo’s dagdag kabuhayan, munting mga regalo at negosyo mula po sa amin ng @franchise.bscorp, @ofwfamilyclub at @wendell­_meathouse.”

Sen. Bong, nakipagsabayan sa mga batang katrabaho

Senator Bong Revilla Jr. is back as Major Gabriel Labrador of Task Force Kalikasan in Agimat ng Agi­la in a new Season 2, after ng successful first season last year. Sa tanong sa virtual presscon ng pagkakaiba nito sa season 1, “mas maaksiyon ito ngayon, mahirap magyabang, pero makikita nyo na mas pinalaki namin ito, medyo mahirap pero makikita ninyo kung paano ito ginawa ni Direk Rico,” saad ni Sen. Bong. “Siyempre may pressure pa rin, pero we gave it our best, kaya siguradong the viewers will enjoy this.”

Inamin ni Sen. Bong na nag-workout, nag-trai­ning siya sa boxing, stretching at rolling, “hindi na ako bumabata at kailangan kong magpakita ng gilas sa mga batang kasama ko sa serye.”

Alam nang sa simula lamang mapapanood ang dating katambal niya na si Kapuso actress Sanya Lopez, pero masaya si Sen. Bong sa kanya na na-predict niyang magiging big star rin.

Quizon brothers, tutok sa Dolphyville

Personal palang pinamamahalaan ni Eric Quizon at mga kapatid na sina Epi at Vandolph ang pagpapatayo ng residential subdivision ng almost 14-hectares lot na pag-aari ng kanilang yumaong ama, ang Dolphyville. Natuloy na rin sila dahil may contractor/partner na sila at almost sold-out na raw ito. Kasabay nito ay sisimulan na rin nila ang pagpapatayo ng museum, hotel, events place na dapat ay sinimulan na noon pero hindi muna nila itinuloy dahil sa pandemic.

Ang museum ang paglalagyan nila ng mga memorabilia ng ama nilang si Ace Comedian Dolphy. Definitely raw ay sisimulan nila ito ngayong 2022, pagkatapos ng dalawang beses nang hindi pagkatuloy nito.

WENDELL RAMOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with