^

Pang Movies

Sheryn, 2011 nang unang makipagrelasyon sa babae

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Sheryn, 2011 nang unang makipagrelasyon sa babae
Sheryn.

Hindi na kami nagulat sa pag-amin ni Sheryn Regis na siya ay isang lesbian o member ng LGBTQ dahil noong 2014 ay lumabas ang nakarelasyon niyang babae sa Amerika na nagngangalang Emy Madrigal.

Ayon pa noon kay Emy, 2005 niya nakilala si Sheryn at naging magkaibigan sila. 2006 nang sabihin daw ni Sheryn kay Emy na mahal niya ito at inamin ng singer na mas attracted daw siya sa mga babae. Noong mga panahon na iyon ay may anak at asawa na si Sheryn.

Taong 2011 noong maging opisyal ang relasyon nina Sheryn at Emy, pero nakipaghiwalay si Emy kay Sheryn dahil nakarating sa kanya na may ibang babae raw na nililigawan ito habang may relasyon sila.

Noong lumabas ang interviews ni Emy tungkol sa naging relasyon nila ni Sheryn, buong ningning na itinanggi ni Sheryn na siya ay isang tibo. Sinabi pa niya na isang fan lang daw si Emy na naging close sa kanyang pamilya.

Ngayon, after seven years ay inamin na rin ni Sheryn na siya ay isang “tung”, “leng”, at kasapi sa samahan nina Ice Seguerra at Jake Zyrus. At karelasyon na niya ang lesbian YouTuber na si Mel de Guia.

Sa naging interview ni Sheryn, bata pa lang daw siya ay alam niyang iba siya. Pero kailangan daw ay ipakita niya sa mga tao na babaeng-babae siya. Marami na kasing may alam na meron na siyang asawa’t anak. Parang may kulang daw sa buhay ni Sheryn noon at in denial din siya sa tunay niyang pagkatao.

Inamin naman daw niya sa kanyang mister na si Earl Echiverri na isa siyang lesbian at hindi naman daw nawala ang respeto nito sa kanya. Inalagaan pa rin daw siya nito dahil ina siya ng kanilang anak. Hindi rin daw nagkulang si Sheryn sa pag-alaga sa mister.

Hindi naman daw tinago ni Sheryn sa kanyang anak na si Sweet ang tunay niyang pagkatao. Noong mag-turn 11 years old daw si Sweet, kinausap daw niya ito at inamin na isa siyang lesbian.

Sophie, inaming pinagdudahan si Vin

Inamin ni Sophie Albert na minsan na siyang nahuli ng kanyang mister na si Vin Abrenica na kinakalikot ang cellphone nito.

Paliwanag ni Sophie sa pag-guest nito sa Mars Pa More ay: “Kasi may mga narinig akong mga something. Siniguro ko lang!”

Hindi na nag-elaborate pa si Sophie kung ano ang nakita niya sa cellphone ni Vin. Pero si Vin, pinapasagot niya si Sophie dahil baka isipin daw ng marami na may nakita siyang hindi kanais-nais sa cellphone niya.

Sey ni Sophie na wala naman daw siyang nakitang hindi niya ikatutuwa sa cellphone ng mister. Napatunayan niya na mapagkakatiwalaan ito at napadala lang daw siya sa pagdududa niya.

Ayon naman kay Vin, wala raw siyang gagawin na ikagagalit ng kanyang misis, lalo na’t malaki ang isinakrispisyo nito para sa kanilang pamilya. Gusto raw niyang suklian iyon sa pagiging isang responsable at matulungin na mister.

American TV icon Betty White, 100 na

Turning 100 years old na ang legendary American TV icon na si Betty White sa Jan. 17, 2022.

Ginawan ng special documentary movie si Betty na ang titulo ay Betty White: 100 Years Young... A Birthday Celebration.

Ayon sa gumawa ng docu-movie na sina Steve Boettcher and Mike Trinklein, kinunan nila ang day-today life ng tinaguriang National Treasure ng American Tele­

vision. Mapapanood ang behind-the-scenes takes ni Betty sa set ng kanyang mga naging TV shows na The Mary Tyler Moore Show, The Golden Girls at Hot in Cleveland. Pati na ang kanyang pag-host ng Saturday Night Live.

Makikilala rin ang mga taong malapit kay Betty na kasama niya sa bahay at opisina at ang kanyang pagiging isang animal advocate.

Kasama rin sa docu-movie ay ang mga showbiz friends ni Betty na sina Ryan Reynolds, Tina Fey, Robert Redford, Lin Manuel- Miranda, Clint Eastwood, Morgan Freeman, Jay Leno, Carol Burnett, Craig Ferguson, Jimmy Kimmel, Valerie Bertinelli, James Corden, Wendy Malick, and Jennifer Love Hewitt.

Si Betty rin ang last surviving cast ng The Golden Girls at The Mary Tyler Moore Show.

 

SHERYN REGIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with