^

Pang Movies

Marvin, malungkot ang Pasko dahil sa mga pumalpak na pa-order ng cochinillo!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Kahit marami na ang nagsasabing vegetarian sila, ubusan pa rin ang lechon ngayon pa lang, para sa New Year.

Lalo na ang cochinillo na isa si Marvin Agustin sa mga naunang nag-negosyo. Na hindi mura, almost P10K ang halaga or more pa.

Parang ito ata ang ‘status symbol’ ng Christmas at ngayong New Year.

Kaya naman overflowing ang order noong nakalipas na Pasko kay Marvin.

Pero nagka-problema ang aktor at kinasela ang mga nag-order - last minute cancellation.

Kaya naman humingi siya ng sorry sa nangyari. “My worst Christmas. I will learn from this.

“I’m very sorry, everyone.

“Napakahalaga ng Pasko sa atin, lalo na sa rami nang pinagdaanan natin ngayong nakaraang taon kung kaya’t napakasakit para sa akin na madami kaming mga taong naperwisyo kahapon at ngayong araw na ‘to,” bahagi ng post niya sa mahabang instagram post the other day.

“I am very sorry to each one of you. Maling-mali na nagpa-overwhelm kami sa mga ‘di inasahang problema, nagkulang kami sa aming serbisyo at hindi namin agad-agad na natugunan ang inyong mga katanungan. At masakit man ‘yung mga nababasa ko, tinatanggap ko lahat kasi talagang nagkamali ako.

“Sana mabigyan ninyo ako ng pagkakataon maipakita na hindi ko pagkatao ang magbigay ng problema o hirap sa kahit na kanino,” bahagi ng paghingi niya ng tawad sa mga na-pwerwisyo.

Disabled na ang comment section ng actor / restaurant owner two days ago pa dahil nga sa flooding na reklamo sa nangyari sa kanilang order last Christmas na umasang makakakain ng litson with matching pictorial sana.

Matagal nang nagne-negosyo ng cochinillo si Marvin at sa mga post niya parang ang sarap talaga dahil crunchy pag hinihiwa mo gamit ang plato.

Pero ‘yun nga lang, kailangan mo talagang pag-ipunan dahil hindi siya mura, pang-mayaman ang presyo.

MARVIN AGUSTIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with