^

Pang Movies

Dingdong, sa ospital nag-pasko

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Grabe ‘yung freak accident ni Dingdong Avanzado ha. Talagang kinabahan si Jessa Zaragosa dahil nga medyo naging seryoso ang lagay niya dahil sa kagat ng bubuyog sa golf course.

Imagine na hindi mo aasahang magkaroon ng ganitong pangyayari sa isang sosyal na sports na tulad ng golf ha. At imagine mo kung gaano kaganda ang mga golf course kaya hindi mo iisipin na may mga bubuyog dito.

‘Kaloka talaga na sa hospital nag-Pasko ang asawa ni Jessa na si Dingdong. Naku ingat-ingat, ang disgrasya talagang hindi mo alam kung kelan darating, kalokah!

Cristy, parang beautederm endorser na rin

Bongga ang Ultralite soap ng Beau­tederm ha. Talagang fan nito si Cristy Fermin na talagang ito lang ang gustong gamiting sabon at grabe kung purihin ni Cristy ang nagagawa ng sabon na ito sa skin niya.

Para na ngang endorser ng Ultralite Beautederm soap si Cristy. Bongga. Ako naman ang type ko sa kanila ay ‘yung toner na parang clean na clean ka ‘pag nilagay mo sa mukha. Bongga. Beautederm. Beauty Rhea Tan.

Sponsor namin ang Beautederm sa Take It... Per Minute, Me Ganun sa Tuesday kaya watch kayo at ang mga health booster naman nila ang ipo-promote namin.

Siyempre ito ang kailangan natin ngayon, pampalakas ng katawan at pampaganda dahil sa panahong ito, ang pinaka-kayamanan nating lahat ay ang ating kalusugan.

vuukle comment

DINGDONG AVANZADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with