^

Pang Movies

Rich at pamilya, may sariling bahay na sa Australia!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa
Rich at pamilya, may sariling bahay na sa Australia!

Alam mo, Salve A., hindi naging madali sa dating beauty queen at Kapuso actress na si Rich Asuncion na talikuran ang showbiz nang magdesisyon sila ng kanyang Fil-Australian husband na si Benjamin Modie na mag-move ng Australia para doon na mamirmihan kasama ang kanilang three-year-old daughter na si Isabella ‘Bela’ Brie at ang bagong dinadala ngayon ng aktres sa kanyang sinapupunan.

Alam ni Rich na mabigat ang kanyang naging desisyon na iwan ang trabaho, ang showbiz, pero dahil may sarili na siyang pamilya, ang desisyon ng kanyang mister ay mahalaga rin.

Hindi ikinakaila ng aktres na hindi naging madali ang kanilang unang ilang buwan sa Australia pero ngayon ay adjusted na umano sila maging ang kanilang anak na si Bela na nag-aaral na roon. Nasubukan din ni Rich na mamasukang waitress sa isang restaurant habang nag-aaral siya sa pamamagitan ng online class ng Early Child Education and Care. Pero ang isang ikinatutuwa ng aktres ay ang pagiging responsable ng kanyang mister na si Benj dahil kahit wala pa silang dalawang taon sa Australia ay meron na silang naipundar na sariling bahay.

Although nami-miss din ni Rich ang kanyang pamilya, showbiz career at mga kaibigan sa Pilipinas, wala umano siyang pinagsisisihan sa kanilang bagong buhay sa Australia kapiling ang kanyang asawa’t anak na magiging dalawa na sa isang taon.

Nakilala ni Rich ang kanyang mister, ang Fil-Australian rugby player na si Benj sa pamamagitan ng kanilang common friend, ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi in 2015.

Dionne, buntis na sa panganay

Ang isa pang buntis ngayon ay ang actress at ex-Pinoy Big Brother housemate na si Dionne Monsanto courtesy of her husband now, ang Fil-Swiss na si Ryan Stalder.

Twenty weeks heavy na ngayon si Dionne sa magiging unang baby nila ng kanyang husband.

It was last February 2021 nang ipaalam ni Dionne ang kanyang paghinto sa kanyang showbiz career sa Pilipinas dahil sa Switzerland na siya magbi-base with her husband and their new family.

February 2021 nang mag-propose si Ryan kay Dionne sa Switzerland na sinundan ng kanilang pagpapakasal last March 8, also in Switzerland.

Sa ika-36th birthday ni Dionne nung nakaraang Dec. 5 ay doon niya in-announce ang kanyang pagbubuntis sa magiging unang baby nila ni Ryan.

vuukle comment

RICH ASUNCION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with