^

Pang Movies

Staff na tsinugi sa isang programa, maraming kinatok na kasama sa lock-in!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Dumaan pala sa legal process ang pagkawala sa trabaho ng writer ng isang TV show.

Ayon sa source, abogado ang nag-imbestiga bago na-terminate base sa mga reklamo ng mga babaeng diumano’y kinatok nito sa tuwing malalasing siya sa lock-in para nga sa kanilang programa.

Hindi lang daw kasi isa, ilang babae rin daw ang nag-reklamo ng harassment sa nasabing writer.

Ibang klase raw kasi itong malasing, animo’y nawawala sa sarili.

Gong Yoo, malapit na sa 2M ang followers ng IG pagkatapos ng 3 days

Umabot na agad sa 1.6 million ang followers ng Korean superstar na si Gong Yoo sa Instagram.

Yup, agad-agad ganun na karami na tiyak majority doon Pinoy fans.

Nagdiwang nga ang  fans nang maki-join na sa IG si Gong Yoo na siguradong may administrator.

Tatlong photos pa lang ang pino-post niya since buksan ang nasabing account.

At ang unang post ay squid o pusit na nasa isang plato.

Kasama si Gong Yoo sa sinasabing most viewed show sa Netflix na Squid Game.

Hindi gaanong aktibo sa social media ang mga Korean star.

Work related lang ang karaniwang ipino-post nila sa kanilang mga social media account.

KaladKaren, nakabalik na sa Pilipinas

Isang virtual career fair ang handog muli ng TrabaHanap ngayong Sabado (Disyembre 4) para tulungan ang mga Pilipinong naghahanap ng trabaho bago mag-Pasko.

Tampok sa Give Love, Give Jobs this Christmas event, na mapapanood sa TrabaHanap Facebook page ng 4:00 pm, ang mga panayam ni TrabaHanap Live host na si KaladKaren sa mga employer, mga trabahong bakante sa iba-ibang industriya, kabilang ‘yung mga for urgent hiring.

Magkakaroon din ng on-the-spot screening para sa TrabaHunters kung saan maaari silang makakuha ng schedule sa isang online interview mula sa kumpanya sa pamamagitan lang ng pag-click sa link na ibibigay sa kanila.

Nakabalik na rin sa Pilipinas si KaladKaren na sobrang ikinatutuwa na magkaroon ng oportunidad na makatulong sa kapwa Pilipino sa pamamagitan ng show. “May kakaibang fulfillment na dala kapag nakakita na nananalo ang ating mga kababayan sa kanilang buhay sa gitna ng maraming pagsubok.  Nakaka-inspire ang pagpupursige nila at ang pagmamahanl nila sa pamilya.  Parang wala kang excuse maging tamad kasi ginagawa ng mga tao ang lahat para makapagbigay sa kanilang mga pamilya ng magandang buhay,” aniya.

Ipinalalabas din ang show sa Facebook pages ng TFC Official, TFC Asia, TFC Middle East, CineMo, MORe- Luzon, MORe – Visayas, and MORe – Mindanao. Napapanood din ito bilang  Trabahanap TV sa CineMo tuwing Linggo ng 9 am.

vuukle comment

GONG YOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with